1 Sep
Twins backpack and cute at orange ang kolor, super fave kase nila ang orange kaya todo hanap talaga ako ng cuteness na orange backpack. :)

This week sana ang umpisa ng pasok ng kambal sa preschool. Pero pagdating namin kanina sa school habang abalang-abala ang kambal sa paglalaro kinausap kami ni hubby ng preschool director. Ilagay daw nila ang kambal sa group ng 3 years old bali ang maging kasamahan ng kambal ay 3 years old na ang mga edad. At mag start ang pasukan nila sa October 11 pa. Ayon naudlot ang pagka excited ng kambal super enjoy pa naman sila kanina, daming mga bata na makukulit. :)
At nakita namin ang playground at room ang ganda at napaka safety at daming nakakaaliw na mga gamit, siguradong may matutunan talaga ang ganitong edad na mga preschoolers. Sabi ng preschool director lalagyan ko ng pangalan ang bag at damit ng kambal para di sila malilito. Tsaka provided ng school ang mga drinks for toddlers like milk, baby tea at juice. At yong ipabaon ko lang sa kambal ay any sandwich, fruits o kaya cookies basta hindi pwede magbaon ng chocolates. At sa fruits naman Wednesday at Friday ay provided ng school.
So, ayon Oct 11 pa ang klase nila at taglamig na - pero malapit lang naman ang school samin maririnig ko nga ang sigaw ng mga bata basta ilang hakbang lang ang layo, kaya di ako mahihirapan sa paghatid at sundo nila.
Sobrang bait ng mga staff at di rin ako nahihirapan sa lenggwahe dahil magagaling din sila mag english, pinapili nga nila ako kung anong lenggwahe na medyo madali sakin. lol
31 Aug
Kanina schedule ng kambal para e check uli ang mata nila. Unang checked nila nung last week ng July at sabi ng eye doktor kelangan every three months ang check up, kase posibleng mag glasses ang kambal. At kanina 2nd time check up.
Eto si bebe Marc -

Sa unang checked up at ngayon ay parehas lang ang resulta, hindi tumaas yong nakitang deperensya dati.
Eto si bebe Mike -

Ang kay Mik naman tumaas yong deperensya pero hindi pa nya kelangan ang glasses. Thanks God. Ayokong mag glasses sila sa ganitong edad.
Kanina bago kami nag drive papuntang doktor nilagyan ko muna ng Augentropfen ang mata nila para diretso agad ang check up. Ganito pala pag sa mga bata may ilagay na eye drops para pag tinitignan ng doktor yong eyes nila hindi naka sarado ang eye´s lens. Hindi nahihirapan ang doktor kase mahilig ng lights ang mga ganitong edad kaya naka titig talaga sila sa light.
30 Aug
Napaka bad talaga ng isang neighbour namin - German national sila.
Dati naiblog ko na dito ang tungkol sa bad neighbour namin.
Ngayon ilang beses namin nakikita na umiilaw yong sensor light sa garahe namin na medyo malapit sa garden nila. Wala talaga kaming idea kung baket umiilaw ng magdamag. At yon napansin ko tinaniman pala nila ng puno sa medyo malapit sa garahe namin para maabot yong sensor light liliwanag dahil sa mga sanga at dahon ng puno na gumagalaw. Parang nang iinis lang sila samin, sabi ni hubby kahit magdamag ang sensor light bayaan na kase di naman daw milyon ang babayaran nyang electric bill. Kaya pinasa Dios nalang namin ang pagka unfriendly nila.
Halos mga kapitbahay naiinis din sa kanila pero kami ang medyo malapit yong bahay namin sa kanila. Tuwing lalabas kami o parating sa bahay lagi ko syang nakikitang nakaupo sa may bintana nila - na para bang halos bawat kilos namin binabantayan nya kapag nasa labas kami at kahit papasok na ang kotse sa garahe nakataas yong leeg nya dahil sinusundan pa rin kami ng tingin. At kapag nasa terrace naman kami nagrerelax, lalabas sya tas uupo dun sa may garden nya at minsan kunyari pa naglilinis sa garden nya, at pabigla nalang akong lapitan at pagsabihan na bakit daw kami nakaupo sa terrace. Asan kapa bahay nyo pagbawalan ka nyang umupo sa sarili nyong terrace? Juskofoh! sarap kulamin talaga.
Sabi ng ibang kapitbahay namin na dedmahin ko lang daw sya, eh yon naman ang ginagawa namin dedma to the max. I don’t want to jump to any conclusions, but clearly what? Envy?! Or why some people soo unfriendly?. Matanda na sya at yong anak nyang lalaki parehas sila ng ugali. Bahala na si Lord sa kanila.
Pero may naisip akong naughty para sa kanya, lagyan ko ng motion detector farting speaker ang road outside our house na dadaanan nya. lols.

Recent Comments