22 Aug
Di ko masisi si Dong aka Marhgil’s kukote gumanti lang sya, kaya eto ginawa ko na dong ang assignment na ‘to.
20 years ago:
Huh! sa Valencia Bukidnon pa kami nakatira farmer kasi si papa, naalala ko pa andami naming manokan, baboy, pero kunti lang ang baka, mga prutas at kumakain pa ako ng tubo”cane” na gamit ko ipin hehehe…nasugat pa yong dila ko. :) Tsaka yong white rabbit na candy favorite ko talaga, ang di ko malimutan ay yong chewing gum na TARZAN ay gustong gusto ko rin kaso lang binawalan ako ni mama sabi didikit daw sa bituka, kaya ang ginawa ko patago akong nagchewchewing pag andyan si mama dinidikit ko sa ilalim ng mesa at babalikan ko yon kahit ilang buwan na hehehe grabeh tumitigas na nga at umiba na ang kulay :) hanggang nahuli rin ako ni mama, e di palo ang inabot. :)
15 years ago:
Gagraduate na ako sa elementarya at umiihi pa rin sa kama :) kasi during day grabeh ang laro namin lalo na yong chinese garter ay pinag agawan akong maka partner kc ang lakas ko talagang tumalon :)makipagsuntukan pa ako sa mga boys :) kala tuloy ng parents ko maging tomboy ako kc si papa tinuturuan akong mag boxing. Ang di ko lang kaya yong init ng araw hihimatayin talaga ako pag nakabilad kaya bawal ako sa farm. :)
10 years ago:
College na ako at lumipat na kami ng tirahan sa Medina Mis. Or. at sa Liceo De Cagayan Univ. ako nag aaral at takot ako sa mga lalaki. Strick si papa bawal daw makipag boy pren naiinggit ako sa mga prens ko kc may kasabay sila pag uwi :) ako wala! sinabi ko kay mama 90% education at 10% inspiration, di pa rin daw pwede kc baka daw babaliktad. Maria Clara talaga ako as in :) di ako nag mini skirt o short never!
5 years ago:
Pinadpad sa Dubai :) may boy pren na iniwan sa pinas :) at ayaw ni papa ang pamilya ng bf ko, kaya sa sulat ko lang sya boy pren hanggang sa naglaho ang lahat :) :P talagang takot ako sa parents ko. Ang sakit na naranasan ko, namatay si mama nasa Dubai ako at di ko alam ang nangyayari sa amin di pinaalam sa akin kc mamas girl ako takot silang lahat kong anong mangyayari sa akin pag malaman ko kc nasa malayo daw ako. Pag tumawag ako sa amin ang sabi nag vacation si mama, no’ng pauwi na ako galing abroad surprised yong uwi ko, andaming pasalubong ko para kay mama, naalala ko pa non pagbaba ko sa bus nakatingin agad ako sa bahay namin na parang ang lungkot, sinalubong ako ng brod ko, ang unang tanong ko, asan si mama? di sya sumagot kaya kinabahan ako. Galit ako sa kanilang lahat pati kay papa, halos mabaliw ako sa mga nangyayaring di ko alam, lungkot at sakit ang naranasan ko, di ko nakita si mama wala na sya, ang sakit napakasakit. Hanggang bumalik ako sa Dubai na may galit pa rin sa pamilya ko.
3 years ago:
Sa Dubai ako, at napatawad ko na ang pamilya ko sa pinas, namimiss ko silang lahat hanggang phone lang kami nag uusap.Napaka swerte ko napakabait ng amo ko sa Dubai, kahit ano kadami yong work ko sa ofis at least mabait sya, bihira lang kasi yong among arabo na mabait promis. :)
Sa internet nakita ko ang prince charming ko walang iba si Mr. Jean Geroges Schumacher, kinasal kami sa Dubai at ninong yong amo ko. :) At pagkatapos ng kasal good bye Dubai, welcome Luxembourg :) namimmiss ko si papa at buong pamilya sa pinas, swerte rin ng only sis ko kc sya ang ipinalit sa posisyon ko sa Dubai.
Last year:
Nag aaral ng lengwahe dito sa Luxembourg, grabeh ang hirap, naging pc addict at nagbabakasyon. :) May balak na kunin si papa at dito na manirahan sa europe.
This year:
New year talaga, naka recieved ako ng phone call galing Dubai sa sis ko, yong kasamahan nya sa ofis ang kumausap sa akin ganito ang pagkasabi, ate, tumawag ka sa inyo may nangyayari sa papa mo ito si Mae umiiyak at narinig ko nga yong iyak ng sis ko” oh God, parang sasabog yong dibdib ko, dial agad ako sa pinas sa cellphone ni papa may sumagot ang pagkasabi, Inday kelangang uuwi ka talaga kc si papa mo na stroke andito sa hospital na coma, hanggang iyak lang ako sa phone, di ko alam ang gagawin, pagkalipas ng ilang oras tumawag uli yong brother ko, sooo sad, wala na kaming papa, sayang yong mga usapan namin ng papa ko, at di ko akalain eksaktong alas dose sa pinas 2005 huling pag uusap na pala namin yon. Agad ako sa pinas at tinanggap ang lahat, napakasakit kuya Eddie! Habang nagsusulat ako dito tumutulo luha ko, tama na nga!
Yesterday:
Nag shopping kami ng hubby ko.
Last night:
Nag attend kami ng *search for europe golden voice* sa Germany, ipopost ko yong mga pix namin next post ko promis. :P
Today:
Maghapong natutulog puyat kasi kagabi madaling araw na kami umuwi. At isa pa ito nag popost nitong assignment na pinagawa ni Dong sa’kin.
Tomorrow:
Maglilinis ng bahay :)
Next year:
Sana may baby na ako :)
Five-ten years from now :
Im sure magaling na akong mag German, French at Luxembourgoise :) at siguro dalawa na maging baby ko:) hahahaha…
Kaya ako ngayon ay gaganti rin walang ligtas sa akin si Raquel, Ligaya, Honey, Jenny, at Jona kayo naman ang gumawa.
11 Responses for "*Yesterday, today and tomorrow*"
Using
Hi Ethel, nabasa ko lahat na sinulat mo sa post na ito. Ang sad naman ng life story mo pala, wala na pala mga parents mo? I am so sorry hear that they’re no longer with us na, ha? I hope that they’re in a better place na and that they can rest in peace lang. I am sure that it’s hard talaga to lose a parents. Hay, you’ll never get over it kasi, it stays with you forever na parang you are mourning palagi. It’s sad. Anyway, take care and may God bless you richly din. I wish din na magka baby ka na soon like you said next year na. Oo nga, pala the good thing is that your sis took your place sa job mo, good for her. Ok ah, till then na.
P.S. Yong Chinese garter na game, hay, ako din pinag-aagawan na maka partner ang galing ko din noon mag high jump, tatalon-talon…LOL; play it. Ang sa bf topic, in din ako doon, kasi illegal din eh sa amin no’n. Hay, mga parents sa atin talaga forbidden ang magka bf.
Using
i had fun reading your stuffs here Ethel. thanks for passing it on to me. nagkabuang sad ko og remember sa akong past life events but it was fun. cge u take care and have a good day!
Using
Hi Ethel, natatawa ako sa mga experiences mo nong nasa elementary ka, pero makahilak ko sa part about your parents. So sorry to hear that, but thank God you overcome those trials and forgive your family about what happened.
I enjoy reading your post. I learn to know you a bit…kasi there’s so much more about us di ba..lol ! You seem to be a good person, a big heart who loves the family so much.
I will help you pray about having a baby next year… don’t worry, basi maka triplet ka pa ana…lolz.
God bless always…
Using
hi ate! ngayon, mas kilala na kita! salamat sa paggawa ng assignment mO!
yung mga bagay na masakit, it happened to make us strong. naiyak ako habang binabasa ko to.. totoo.
Using
like my comment on Marhgil’s answers to this.. you entertained me on the first years of your life too. But as it goes, we all shared some downfall, downtime in one point of our lives. I was touched Ethel, like Marhgil.. I cried coz I remember my late father. I was in Finland too when he died a tragic death. Ang mga komedyanteng tulad mo, ni insang Marhgil at ako.. ay may mga experiences pa rin palang hindi biro ang pinagdaanan. taht despite our smiles and laughters, may mga moments din tayong iiyak for it is also healthy. Kita mo naman ngayon.. masaya tayo diba. I salute you for this Ethel.. may your husband continue to love you dearly. Here’s to us my friend.. cheers! =)
Using
Hi, Ethel….tama sila, sa una nga napakasayang basahin, pero sa bandang gitna, napakalungkot naman…ako di ko rin siguro malaman or di jud ko kabalo unsa akong buhaton kung mao na akong maabtan inig uli nga sa kadugay nga naa sa gawas, inig uli wala na diay ang pinaka-importante nga tawo sa imuha…tinuod, sakit jud kaau…
mau na lang nga karon, imo na sila napasaylo…
ganahan ta ko nga i-link ka, mao nga mangayo ko sa imong permiso kung pwde ba…tyyy…
*******
human naka nako gi-link, hehhehe
Using
i was saddened by the death of your parents, ethel. and not being around during their last breath is the hardest part to accept. i think this is one of my fears - being away when they need you most.
Using
Hi dear! Like the other readers, natawa ako nung una tapos later on, ambot lang, makahilak ko sa nahitabo sa imo. Grabe ang tatag mo, and I admire you for that. Hadlok jud ko if anything happens to my parents while I’m away. I always pray to God to take my life in place of anyone in my family (morbid ba) kay ambot lang unsa akong buhaton if the same thing happened to me.
On a lighter note, pareho di-ay ta, dili pud mu-sugot ang tatay nako na magka-bf ako while I’m still in school.
Ayo-ayo diha!
Using
Mare, sorry ha I been out of this world lately. Grabe ang haba naman ng post mo dito. I read them all!!! Grrrrr.
Kung tarzan ang paborito mo noon, ang sakin TIRA TIRA!
Hoy naa diay ka sa Europe karon, abi nako sa Canada ka oi. Maayo na dalhun nimo imong Papa diha. I hope he will like it the new Environement.
Hala good night amigas. Unsa diay imong pasabot sa sa assignment, unsa man diay ang assignment nako, Mare?
Using
Ethel,
While reading your post, na iyak talaga ako! Para nakilala na kita talaga. Ganoon siguro ang buhay may mga pag subok, ako rin mayroon ako yon ang sakit sakit din. Take care
Using
nakibasa na po..nalungkot naman ako sa story mo..
well, that’s life, we can’t do anything! atleast now siguro happy ka na! btw, correct ka bihira mabait na arab boss lucky me nilayasan ko un una kong amo..ngayon mas mabait na pero di rin arabo…hate ko sila! hehehe
Leave a reply