22 Sep
This is Ellen Mae my only sis and i am her big sister who acts like a minister, when i was a kid she’s my big sweet doll with whom I play, at ang mga pangarap namin na sana someday…Pero bakit may hadlang? Nasaan ang mga pangarap di ba sabi mo, *ate hwag mo akong iiwan please… ano ka ba inutusan lang ako ni mama mamalengke, halika ka nga’t ikaw ang magdadala ha!* ganon ako ka bossy sa kanya. :) Looking back at yesterday napakasaya! Pero bakit ba?
Ito ang story naming magkapatid, noong ako ay sa Dubai pa, nami missed ko ang doll ko subalit di ko sya pwedeng maisama dahil studyante pa sya, at nang akoy may asawa na, nasa Dubai naman sya, pinasunod ko lang sya sa mga hakbang ng aming mga pangarap, at di ko akalain akoy kinalimutan nya. :( Last January 2005 akoy biglang napauwi sa pinas at ganon din sya dahil sa trahedyang sinapit ng aming pinakamahal na papa. At doon tuloy namin pinag usapan ang planong sasama sya sakin dito sa europe, pero inayawan nya…nasaktan ako! bakit ayaw mo ba akong makasama? *Pero ate may trabaho pa ako sa Dubai…* inintindi ko dahil biglaan nga yong pag uwi nya. Kung tutuusin pwede namang iwanan nya yon, pero may mga alibay pa rin sya. *Mae kelangang pupunta ka sa europe para may kasama si ate mo doon,* wika ng asawa ko. Si Mae inispoiled ng aking mabait na asawa sa lahat ng bagay at minsan nga’y ikinagalit ko pa, reason naman ng asawa ko, kapatid mo kapatid ko rin, pamilya mo pamilya ko! ganun sya magsalita, wala akong masabi.
Hanggang sa bumalik kami ng asawa ko dito sa europe, iniisip ko pa rin ang sister ko, talagang di ako makapaniwala kung bakit ayaw na nyang ituloy yong mga plano namin, laking ipinag bago nya. I was thinking, im sure may mga sekreto sya, ang ginawa ko inopen ko yong email ad nya, halos buong araw akong nakaharap sa pc at sinubukang maitama ang mga password na tina try ko, pinagtawanan ako ng asawa ko! Sa wakas nabuksan ko email nya, honeylen pala ha! Doon natuklasan ko ang lahat lahat. Oo laking gulat nya kung papano ko nalalaman ang mga inilihim nya sa akin, nabasa ko pinagtanggol pa rin nya yong mga plano namin, subalit talo pa rin ako, nauto pa rin sya sa boypren nyang arabo “pweh di pa naman yan sila naliligo” Ang ginawa ko kinuha ko yong yahoo ad ng arabo at ini ad sa yahoo messenger ko gusto ko talaga syang makausap! “galit ako at umiiyak” nalulungkot din asawa ko dahil naiintindihan nya ako. Last month nakausap ko si arabo sa messenger…una di ako nagpakilala. Ganito;
Sabi ko,Hi sagot nya who r u? tanong pa rin ako r u married? sagot nya soon. Hanggang sa humaba yong usapan at nakilala nya ako, aba galit pala sya sa akin dahil sinabi ng sis ko na ilayo ko sila sa isat isa, inaway pa ako! “grrr” umuusok tenga ko! Last words in messenger ni arabong di naliligo ay ito, I’ll make your sister happy more than you have, sabay off line nanggigil ako. Alam ko! wala akong karapatang turuan ang puso nya, pero ako’y may mga pangamba na baka paluhain lang sya, :( tama ba akong magalit sa kanya? sa totoo lang, masakit para sa’kin sobrang excited ko kasing makasama sya, subalit binaliwala lang nya. Binantaan ko sya wala kanang ate kahit kailan, no emails, no chats, no calls, and no text messages :( at mga 5 months na ngayon wala kaming communication. :( nakakalungkot kaya itawa ko nalang dito sa pag bablog, mamya tatanda pa akong bigla!
Kaya Mae kong mabasa mo ‘to sana masaya ka sa pinili mo, at kung nag asawa kana sana ikaw lang mag isa sa buhay ni arabo. Napakabata mo pa, sana ituwid mo yang baluktot mong pag iisip.

Recent Comments