My eyes filled with tears i have much to share with you about what I’ve been up before in Dubai and i wanted to share a really sad story of an indonesian woman,. Every situation, there is something valuable and positive that you can offer if you really want. I Recall the things that i have held of that woman, her name is Suryati and i never forget the most sincere, meaningful and valuable gift she gave me, “a ring”.
Si Suryati ay isang katulong lamang, masayahin, mabait at higit sa lahat matapat sa kanilang Allah, lima ang anak na sinuportahan sa kanilang lugar sa west java Indonesia. Apat na taon syang nag tatrabaho bilang utusan sa Mina K.S.A, hanggang sa nag wakas ang kanyang kontrata doon at nangibang bansa uli, sa Dubai ang tungo at dun ko sya nakilala.
Isang araw dumating si Suryati galing Indonesia bitbit ang kanyang maliit na bagahe at sa kabilang kamay naman isang plastik o supot na ang laman ay pagkain, sa pangambang baka di sya pakakainin ng amo nya eh di may makain sya, huh!. Habang hinihintay ko ang maging amo nya, nag kwentuhan muna kami sa loob ng opisina sa salitang arabic (*oops! mabilang lang ang arabic words ko at barok pa*) dahil di sya marunong mag english, subalit kaya nyang sumulat at bumasa ng (Bahasa Indonesia)pambansang wika nila, yon lang daw ang napag aralan nya. Sa mga kwento ni Suryati pinilit nyang mangibang bansa dahil sa layunin nyang mapatapos ang limang anak sa pag aaral. Papano ba nya kakayanin ang nakalaan sa kontrata bilang utusan sa gitnang silangan, na ganito; walang day off, limitado ang pag gamit ng telepono kahit para sa naiwang pamilya, at di pwedeng lumabas ng bahay, katunayan nga mas sobra pa sa tinatawag na kulungan, mabuti pa ang isang bilanggo na walang pag asang lumaya di naman subsob sa trabaho.
Sa dinami dami kong nakausap, ma pinay, srilankan, indian, bangladesh at nepal ay halos katulad ang banggit ng problema sa buhay. Minsan, masakit sa aking kalooban kapag pinay ang makausap ko at sabihing maswerte ako dahil nakaupo lang at malaya, pero sa totoo walang maswerte pag amo mo arabo, kahit mabait man sya at pagkausap nya ay arabo din paniwalaan pa rin ang mali key sa iyo na tama.
Isang araw binalik si Suryati sa agency na pinagtrbahuan ko at ngitngit sa galit yong among babae dahil magnanakaw at hindi raw marunong magtrabaho ang nakuha nyang katulong, huh! naawa ako kay Suryati umiiyak at may sakit nilalagnat sya nun, wika ng bruhang amo nya nagnakaw si Suryati ng 10,000 dirhams at pinadala sa Indonesia, nagmakaawa at lumuhod ang kawawang Suryati na hindi totoo ang lahat. Sa totoo di ko mahaka ang sitwasyon na yon dahil pati ako kinilabutan na rin. Gumawa ng kasunduan ang tagapangasiwa ng agency (*amo ko*) na kelangan mag trabaho si Suryati na walang sahod ( *hanggang sa buo nyang mabayaran ang 10,000 Dirhams*) kon di ipakulong sya. Bakit ganun sila? tao rin naman si Suryati ah, bakit tinatrato na parang hayop?!
Iniwan si Suryati sa opisina at ang kasunduan, na kinabukasan kukunin uli at mag trabaho, huh! kahit ba may sakit? :( awang awa ako sa kanya. Tinanong ko si Suryati sa mga pangyayari, binugbog pala sya at alas 3:00 ng madaling araw sya patulugin at kelangang magising alas 5:00 ng maaga, kaya pala nagkasakit. :( Naalala ko yong pagmaka awa nya sa akin na tulungan ko raw sya, nalilito ako sa panahong iyon kong papano ko iligtas si Suryati, takot ako,.. ayokong umanib sa gulong iyon dahil alam ko ang ugali ng mga arabo. Pero sinubukan kong kinausap yong amo ko at umaasa na baka sakaling mapauwi si Suryati sa lugar nila dahil may sakit, subalit bigo ang lahat parang di man lang ako narinig, sanhing naniwala sila sa mga bintang laban kay Suryati.
Kinabukasan maaga ako sa opisina, dinalhan ko si Suryati ng pagkain, pero nadatnan ko syang nakahiga at nanginginig sa taas ng kanyang lagnat, natatakot ako nung time na yon baka mamatay sya at ako ang pagbintangan kaya dinala ko agad sa Iranian hospital, ‘yon kumalma kunti yong pakiramdam nya dahil sa injection. May mga gamot na rin kaya dinala ko sya pabalik sapagkat may trabaho din ako at di ko sya pwedeng iiwan. Pagdating sa opisina sermon ang inabot ko, inakala kasi nila na itinakas ko si Suryati. Ang mga paliwanang ko ay isang mali para sa kanila, bakit ganun? nasaan yong dandamin nila para sa isang katulad ni Suryati?.

Samakatuwid, naisipan kong lumaban at ilabas ang pagka pinay ko, basta ang alam ko sa Dubai tanyag ang pinay na matatapang, pero bakit duwag ako? napaisip..ah, bahala na! “expect the worse and hope the best” malay ko tatalab ang huling panakot na wari nga’y “huling alas”. Tinawagan ko yong bruhang amo na sa kasalukuyang papunta na sa opisina upang kunin si Suryati, ganito ang pagka sabi ko;
Ako; Madame, may sakit si Suryati kawawa naman kong magtrabaho sya na walang sahod (*super nginig at parang ako ang bitayin sa eksenang iyon, pati salita ko halo halong english at arabic para siguradong naintindihan ako*) ngunit nasain ko ba ang malambot na tinig ay sinuklian ng tila umungal na Leon, oo minura ako na higit pa sa hayop datapwa’t naipakita ko pa ring mag tumapang sa duwag kong kalooban. Lumaban pa rin ang nanginginig kong buong kalamnan,
ako uli; Pag totoo kang Islam hindi ka sinungaling (*bolatik ko lang yon*) may Qur’an ako dito sa opisina,(*bolatik pa rin*) ipapatong ko muna sa ulo mo dito mismo sa harapan ng amo ko, ngayon hihintayin kita sa pagkuha mo kay Suryati. Ouch! sakit ng tenga ko, binagsakan ako ng telepono ok lang,! tsaka, bahala na si batman sa akin nagpaliwanag pa rin ako dun sa amo ko, siguro narinig nya mga pangangatwiran ko laban sa bruhang yon., himala nakaimik lang si dugyot (*amo ko*),. Napaisip akong bigla epek na kaya sa panakot ko? sana Lord, please..
Walang bruhang dumating sa opisina, medyo napanatag ang pag iisip ko sa araw na iyon pero makatulog kaya ako ng mahimbing sa walang katiyakang sitwasyon, malay ko baka bukas dadating sya.
Sa maikling kwento, walang employer na nagpakita o tumawag sa opisina. Nagpasya ang agency na puwiin si Suryati sa Indonesia pero pano makapag byahe lalong lumala ang sakit nya, :( magunita ko ang panahong iyon natutulog syang mag isa sa isang kwarto sa opisina at umuungol sa kanyang karamdaman, ewan! bakit takot akong dalhin sya sa aking tinutuluyan, oo dahil takot akong baka mamatay sya at marahil ako pa ang mabitay . Tiniis kong pag silbihan si Suryati gabi na ako uuwi dahil pinapakain, painumin ko sya ng gamot at pinapalitan ng damit, maaga din akong pumasok para may kunting oras din ako sa kanya, kahit weekend binabantayan ko sya dahil awang awa talaga ako sa kanya. Hanggang sa kaya nyang lumakad mag isa at gusto nyang magpagaling sa kanilang lugar, kaya humingi ako ng permiso sa amo ko na patawagin sya sa kanyang pamilya para masundo man lang sa airport kong sakaling makapag byahe na sya., narinig ko ang pinag usapan nila ng kanyang pamilya pero wala akong naintindihan, ramdam ko ang lungkot sa isat isa :( nakaka awa.

Gayon pagkaraan ng dalawang araw takda ng byahe nya pauwing Indonesia. Maaga yong lipad nya kaya maaga din syang hinatid sa himpilan ng mga eroplano. Ang umagang iyon wala ng Suryati ang nadatnan ko sa opisina, at balik na sa karaniwan ang trabaho ko,. Napansin ko ang puting sobre nakapatong sa ibabaw ng aking mesa, nang binuksan ko isang singsing at larawan ni Suryati (*sayang naiwan ko sa Dubai yong pic*) at sulat nya, na ganito; ” M. Ethel inti zen wayed shukran” ibig sabihin, napakabuti mo at maraming salamat aww..! *nakakalusaw ng puso* nag abala pa sya, alam ko malaking tulong ito sa kanyang pangangailangan pagdating dun sa kanila, wala man lang syang kapera pera :( mga limag buwan lang sya sa Dubai at tatlong linggo syang nakakulong sa opisina dahil sa kanyang sakit at di ko rin alam anong sakit meron sya, naalala ko lang walang tigil yong lagnat, sakit ng ulo at ubo nya. Alam ko hindi nya ako nalimutan at di ko rin sya malilimutan habang suot ko ang isang alaala na ito. Minsan naisip ko, nakarating kaya si Suryati sa Indonesia? Gumaling kaya sya? paano na kaya yong mga anak nya? Sana masaya sya ngayon., sana..

“Huwag mong palampasin ang isang
pagkakataon sa pagbibigay ng lakas ng loob at kabutihan sa iyong kapwa tao,. Hindi lahat ng gunggong ay pipi”
Haay buhay sa gitnang silangan.