Salam alaikum, sabi ko…alaikum salam, sabi ng madame.
employer:  M. Ethel magkano ba ang Phil.
dh  gusto ko yong Islam at may edad na, may asawa at hindi
maganda  para hindi titigan ni mister ko.  At gusto ko rin
yong may experienced na sa trabaho, [as dh] fluent mag english para mag tutor na rin sa mga anak ko. [all around ang gusto nya]
ako:  [shocked sa narinig, maganda nga sya naliligo naman kaya 'to?]
sabay pakita  lahat ng mga cv’s,  ganito po ang presyo 3,500
Dirhams  with  3 mos. salary deduction po sila at blah blah..
Sa kahalughug  ng mga cv’s isang aplikante, itago natin sa pangalang “Petra” ang napili nya.
Para sa kanya perpek ang biodata ni Petra, ganito kasi; marunong
magluto  ng arabic foods  dahil may experienced sa Jedah
K.S.A, 32 years old, may asawa at anak, taga Cotabato at higit sa lahat
fluent mag english.
Kaya yon binigay ko sa kanya ang passport copy at dalawang 2×2 na pics para sa visa ni Petra.
employer:  [excited] M. Ethel, bukas na bukas gagawan ko agad ng visa.
ako:  Yes, pero antayin mo muna tawag ko, kasi e confirm ko muna  sa pinas kong ready  ang aplikanteng ‘to.
Nag fax agad ako sa sa pinas  [di ko na sasabihin ang pangalan ng opisina, basta halos jan sa malate kontak sa agency na pinag trabahuan ko dati] ayon nag reply agad si [itago natin sa pangalang Mr. bakla  di ko sya nakita pero obvious ang boses ok?
Ganito ang reply nya, reding redi si Petra at walang problema  sa
medical, fit to work.  So, tinawagan ko ang employer to proceed
the visa.
Dumating si Petra sa Dubai byernes ng hapon, kaya sabado na kukunin
at  bali matulog muna sya sa opisina ng isang gabi. At syempre
kahit weekend pag may aplikante na darating binibilhan ko talaga ng
pagkain, i swear walang pakialam ang agency kong nagugutom nga ba yong
aplikanteng naghihintay, kaya sariling bulsa ko ipambili ng pagkain sa
mga aplikanteng di makuha agad ng kanilang amo. Habang kumakain si ate
Petra kinausap ko sya at tinatanong ng kong ano ano sa pinas. 
Hanggang naitanong  ko ang tungkol sa trabaho nya dati sa
Jedah.  OMG,  laking gulat ko nalang, wala pala syang
experienced  at  Grade III  lang ang natapos nya,
arrrgh!  Nagulat din sya bakit ganun  ang kanyang 
biodata,  gusto kong sumigaw at sakalin si Mr.
Bakla.    Mapahiya talaga ako  sa employer at isa
pa masisira yong opisina ng amo ko at higit sa lahat maka peso pa ako
kay dugyot [amo ko].  At si Petra naman nanginginig, e
first timer kaya normal lang yong feelings na ganun. Biruin nyo,
magdamag di ako nakatulog nun, iniisip ko ang dapat kong ikatwiran.
Kinabukasan, dumating ang mag asawang employer…salam alaikum blah
blah.. sign ng mga kontrata at iba pa, at yon sa wakas umalis na
dala  si Petra. Ako naman parang temang di mapakali, [kinakausap ang sarili] 
e syempre alam ko na ang susunod na mangyayari,  sigurado ako di
pa makaakyat si Petra sa bahay ng amo nya ibalik na sya dito sa
opisina. Tinawagan ko si Mr. Bakla dahil kong mag fafax pa ako
siguradong di sasagot at  pag taguan pa ako basta  may
problema,  ganun sya at  masayang lang oras ko. Ganito yong
usapan namin sa telepono;
ako: Bakit mali yong biodata ni Petra, nakasulat dun na ganito..blah blah..
Mr. Bakla:  Ethel, sinunod ko lang yong sinasabi nya na ganun nga.
ako:  [grrr] ibig mong sabihin sinungaling sya, e ngayon kong ibalik yon ng employer sagot mo ang  ticket pauwi.
Mr. Bakla:  [ayaw patalo] oy! di yan pwede kasi di nag refuse yong aplikante.
ako:  [galit na] di nga nag refuse pero sinungaling ka! Wais ka talaga, pera lang habol mo di ka ba naawa sa aplikante?
Mr. Bakla:   [kalmado pa rin] , ethel kung sakaling ibalik si Petra, hanapan mo nalang ng ibang employer,  [sabay Please]
Ako naman lumambot agad ang puso pag narinig yang “pls.”
Haay…kinabukasan nga binalik si Petra at nag reklamo yong amo, 
hindi raw sila nagkakaintindihan at walang alam, kahit sabihing
pakiabot ng tissue, di alam kong ano yong tissue,  [kawawa naman].
Kaya ang kasunduan bigyan ng replacement yong employer,  tapos!
Pero di lang peso ang inabot ko kay dugyot ha,  dos pa., 
swerte sya babae kaharap nya  kong  hindi isang kamao eksakto
sa bunganga nya, na imagine nyo ba  paano sya humiyaw? 
“grabe labas ngala ngala” [kakainis talaga mga ugali nila].
Naawa ako kay ate Petra  ayaw  nyang umuwi sa pinas dahil
pano nalang daw yong inutang nyang pera para sa pina Medical  nya
saan daw sya kukuha ng pambayad. Pina relax ko sya na  “hwag mag
alala hahanapan kita ng bagong sponsor”.
Ang sagot naman  nya, natatakot ako ethel baka ibalik na naman ako
kasi kunti lang ang alam ko na english, ako naman na medyo curious kong
gaano ka kunti yong english nya, tinanong ko sya.
ako:  ate anong english lang ang alam nyo?
Petra:  yong ano lang, YES, NO, tsaka I DO NOT KNOW.
ako:  ah, ganun po ba,  [sabay talikod dahil may ginagawa, at lalong naawa]
Sa maikling kwento, tinatry  sya ng ibat ibang employer
ngunit  matagal na yong dalawang araw, binabalik din sya dahil di
nga sila nagkaintindihan at wika ni ate Petra di daw nya kaya ang
trabaho.  Wala na akong ibang paraan para sa kanya, hanggang sa
nagpasya nalang si ate Petra na uuwi sya.,  kaya napilitan si Mr.
Bakla na sagutin ang ticket pauwi ng pinas  [dahil nakalaan sa kontrata ang ganun].
Para sa akin malaking liksiyon  yon kay Mr. Bakla, di dapat sya
mag sinungaling, doble doble na nga ang perang tinatanggap nya, [sa aplikante at sa kontak nya sa Dubai,] haay grabeh abuso na talaga. Kung tutuusin pag dh ang aplikante [patungong middle east] 
wala silang  hingin na pera, kong hindi pang medical lang na
halaga, oopss di naman aabot ng 5000 ah,  kawawang ate Petra,
tutubo pa yong inutang nyang pera.
 “ang  pipiyok…tiyak, kulang ang nakurakot.” ang  buhay,… key  ganda kaya kelangan nating maligaya.