Tinik sa aking
puso ang isang bangungot na karanasan,  arrgh! 
napakasakit  kuya Eddie. Ayoko na sanang alalahanin pa dahil
ramdam ko pa ang isang kirot na tagus-tagusan  sa aking puso
na  di ko kayang kimkimin, subalit  pano ko naman kaya
makalimutan lalo  sa buwan na ito ay kaarawan mo, aking pinaka
mamahal na ina. [Feb.28 happy b-day ma]

Naalala ko pa nun naka impake ng maayos ang maleta ko at sabi mo  “andyan lahat ng gamit  na kakailanganin mo geng”,
at ikaw pa mismo ang humatid sa akin sa piyer nag iyakan pa nga tayo,
dahil ma mimis mo ako at ganun din ako sa inyo,  pinaka mamahal
kong pamilya.

Umalis akong malusog ka at walang sakit mahal kong ina, oo nagka mild
stroke ka dati at affected ang kanang katawan mo, pero bumalik sa
dati ang iyong lakas bago kita iniwan.

Nasa Dubai na ako, kailan ma’y di ko nakausap si mama. Ang sabi nila
nagbakasyon at naitanong ko rin sa mga kapatid ko bakit walang reply sa
sulat ko, ang sagot naman nila hindi pa bumalik si mama sa kanyang
bakasyon. At syempre naman naniwala ako sa kanilang lahat
mahal kong pamilya. At yon pala’y unang sulat ko natanggap
nilang lahat nakaburol ang aking ina. Ang hindi ko malilimutan sa
unang sulat ko ay ang mga ibinilin ko sa aking mama, na hwag
kumain ng masyadong maalat, iwasan ang  karneng baboy at iba pa,
dahil may high blood nga sya. Paulit ulit akong tumawag at sulat
subalit ang rason nila’y  timing  naman daw pag tumawag ako
wala si mama, kaya napaisip ako galaan na pala si mama, ngunit happy na rin
ako sa mga balita nila dahil masaya at malusog ang lahat lalo na sa
aming ina.

Hindi ko na pahabain ang istorya, sa loob ng mahigit dalawang taon
walang sulat o boses na narinig ko sa aking ina, kaya excited akong
umuwi at mag bakasyon. Minsan naitanong ng pamilya ko kong kelan ang
uwi ko, sagot ko naman ewan! dahil ang gusto ko e surpresa silang
lahat, at kahit di nila alam na uuwi ako andami pa ring tugon na mga
pasalubong  at ang tanong ko sa kanila ano naman ang gustong
pasalubong ni mama, sagot ng brother ko,  “inday, relo daw ang gusto ni mama”.

Takda ng uwi ko  hindi alam ng aking mahal na pamilya,  at
hindi lang mamahaling relo ang pasalubong ko para kay mama. Kahit nasa
Manila na ako pinagtiisan ko pa rin ang di humawak sa telepono, super excited ako
na  makita silang lahat.

Sa lugar namin, pag baba ko ng bus,  plaza lang ang
pagitan tanaw ko na ang bahay namin at dun diretso ang tingin ko,
subalit nakita pala ako ng kapatid kong lalaki dahil nag skating sya sa may plaza.
kaya takbo agad siya at nilapitan ako. Agad kong naitanong sa kanya,
asan si mama? Huh! yumoko at parang di ako narinig, iniwan ko lahat ng
karga at  patakbong dumiretso sa bahay, ramdam ko halos  lahat
ng tao sa plaza nakatingin sa akin.  Pagka pasok ko ng bahay
tinawag ko agad si mama, huh! ang lungkot walang tao, [nanginginig ang buong katawan ko, dahil wala akong naiintindihan] inusisa ko yong brother ko di pa rin sumagot, tinanong ko asan si papa ang sagot naman parating na sya. [may inutusan pala sya na pauwiin agad si papa],
pati yong ibang kapitbahay namin nagsilapitan pero wala pa rin akong
naiintindihan dahil nakaimik lang sila.  Dumating si papa galing
sa palengke umiiyak, huh! anong ibig sabihin..nalugmok ako ng time na
yon di ko nakayanang tumayo feeling ko pasan ko ang buong mundo.
HINDING-HINDI ako makapaniwala sa mga pangyayaring di ko alam, pinilit ko isang panaginip lang ang lahat at gusto ko nang magising, pero ramdam ko halos di ako makahinga at
pinainom nila ako ng tubig. Ang  sakit napaka sakit at napaka
sakit talaga. Oo pinilit kong hukayin ang puntod ng aking ina dahil
sobrang na mis ko sya,  ngunit ako’y isang baliw  sa paningin ng
lahat.  Dandamin ko’y nag iisa sa mundo at walang pamilya, ang
dating matakutin sa ama na ugali ko, nagiging  isang rebelde,  kinamuhian ko silang lahat nagliliyab ang puso ko sa galit.
Pinilit ko ang  aking sarili na kakayanin ang lahat, kaya nilisan
ko ang lugar namin, duon ako tumira sa isang tiyahin ko [kapatid ni mama]. Umalis akong walang paalam sa mga kapatid ko at lalo na sa pinakamamahal kong ama, tuyo na ang luha ko sa panahong iyon.

Bumalik ako sa Dubai na may galit pa rin sa aking pamilya, ramdam ko
ang lungkot ng aking mahal na pamilya lalo na si papa, di ko magunita kong paano ko sya sinaktan. Kahit nasa
malayong lugar na ako  lalong nag durugo ang puso ko, alam ng
makapangyarihan sa lahat kong  gaano ko sila kamahal.

Di ko matiis,  saka
lang nila nalaman na nasa Dubai uli ako ng tinawagan ko sila, 
pinatawad  ko ang lahat at kinalimutan ang isang bangungot na
alaala.

Mula nun di na ako nakauwi ng pinas at  dumiretso dito
sa Luxembourg, sa nakaraang taon (2005) napa uwi akong bigla dahil sa masang nangyayari ng pinaka mamahal kong ama. Pero isang bangkay ng aking ama ang nadatnan ko. Wala na si papa. Napakasakit sobrang sakit at lungkot ang nararamdaman ko sa panahong ‘yon. Napakasakit ang mawalan ng magulang. 

  Sa panahong yon may mga pagsisi. Bakit nagawa ko pang  kamuhian ang pinaka mamahal
naming  ama, di ko man lang sya nayakap bago ako umalis nun, (pabalik sa Dubai) bakit di pwedeng ibalik ang nakaraan upang iwasto ko aking pagkakamali? aarrgh!

Malaking paghihinayang ko sa mga panahong iyon, oo pinagdusahan ko ang
lahat lahat, bakit? at bakit?! Sayang ang mga plano namin ng aking ama na makasama ko sya
dito sa europa. Alam ko masayang masaya  sila ngayon at 
magkasama sila ng aking ina.[family is FOREVER]  “God will wipe away every tear from their eyes and there shall be no more pain”.

May mga panahong tinitimbang ko ang nakaraan,  nakauwi kaya ako na
isang buhay kong hindi nila inilihim sa akin ang lahat? Ewan! di ko rin
masagot, tama rin si papa sa naging desisyon nya, pero napakasakit di
ko nakita si mama,  ewan, basta ang lahat na pangyayaring yon
ay  plano ng Diyos.