28 Mar
Ausfahrt…Ausfahrt…Ausfahrt!
Ausfahrt, buti nalang may aus sa umpisa at may letrang h sa gitna, cguro baka
maisipan ko pang pabrika ng gas.lol
mahigit isang
buwan na ako sa Lux nun, syempre may matutunan kana,.. yong mga simpleng signs.,
tulad ng exit(labasan) yon kadalasan makikita mo sa mga malls, hotels, restaurant,
at pwede rin sa bahay.
Pero hindi exit ang nakasulat ha, Sortie(French) at Ausgang(German) eto yong mga unang signs na natutunan ko.
Nung nag byahe kami ni hubby papuntang Berlin, punungbayan ng Germany.
eto yong nakikita kong direksyon na sign, ang,.. Ausfahrt! (talagang naintriga ako )
nasa isip ko mas malaki yata ang Ausfahrt keysa Berlin,
kasi yon lagi kong nakikita habang nasa motorway kami.
Nag kotse lang kami nun, bali 9 hours
yong byahe namin galing Luxembourg to Berlin, pag ekumpara ko sa isang lugar
sa pinas, ang kalayuan ay Cagayan De Oro to Davao. Pag mag Bus ka.
Nang sa Berlin na kami syempre nilibot namin ang buong lugar, totoo maganda at malaki.
Pero talagang lilitaw sa isipan ko ang ganitong katanungan; gaano kaya kalaki ang
Ausfahrt,? siguro maganda din dun.
takda ng uwi namin. Habang nag almusal kami ni hubby,
kinausap ko sya, na mey halong lambing na kong ppwede gusto ko rin makita ang lugar na Ausfahrt.
Sagot ni hubby, what? na parang di na klaro ang pagka bigkas ko, kaya sabi ko uli,
sa Ausfahrt, A-U-S-F-A-H-R-T daan din tayo dun.
Huh! buti nalang di tumilapon yong kapi nya, natawa sya at ako nama’y namangha.
oh,.. my mahal ang malambing boses nya, lol.
Ausfahrt ay exit yon, sabi nya. Exit, diba ausgang yon? diretsong sagot ni badiday.
Kaya nagpaliwanang si hubby tungkol sa Ausfahrt!
ganito mga paliwanang nya;
Ausfahrt - aus means out, Fahrt from the verb fahren(in German) to drive in english.
Ausgang - gang from the verb gehen in english to walk,..
Tangengot ko talaga noh, gusto kong pumunta sa exit, lol. Kaya pala ni kahit isang ausgang wala akong nakita sa motorway at malay ko nga ba nun, ang ausfahrt ay parehong ibig sabihin. Exit! din.
Mula nun, kunting ingat ako sa mga signs nila, at lalo na rin sa pagbigkas ng mga salita katulad ng;…
Mon chou - my sweetheart
Monsieur - Mr.
kong basahin mo, keylangan tanggalin mo muna ang letrang n at r parang ganito ang pagbigkas nyan,.. mosyoh!
kaya pinapraktis ko muna bago ko ilabas ang salitang “Monsieur” pag kausap ko ay lalaki, mamya
baka isipin pa nya tinatawag ko syang sweetheart. o di kaya ttyempo ako ng babaeng mapagtanungan, madali lang kasing bigkasin ang “madame”. lol
walang english eh, pero marurunong silang mag english ah,. pag englisin mo yong iba e dedma kalang! buti pa sa daigdig ng mga
arabo kahit mga bulate yong pagka sulat ng mga signs nila, hinahaluan pa rin ng dollar. :)
25 Mar
Mey mga naalala lang ako nung unang dating ko dito sa europa.
Ay, teka mag tatatlong taon na pala ako dito sa Luxembourg, ngayong April
hhmmm.. may natutunan na ring kunting lenggwahes, kunting German [Deutsch]
kunting French [Francais] at medyo madaming kunti na Luxemburgish [Letzebuergesch] lol. kaya pwede na rin mag change ng nationality,. huh! ang hirap kasi ng passport natin sa airport, kaya nakapag desisyon na ako.
Napaka liit ng Luxembourg,… pwede mong libutin isang araw ang buong bansa, pero tatlong salita gamit nila, gusto nyong malaman basahin nyo nalang dito “A linguistic Puzzle.” o kayo na bahalang mag tanong key Mr. Google. Pero alam nyo ba kong naliitan ako sa Luxembourg mas lalo na yong Andorra, sarap bumalik dun..napaka mura ng mga bilihin, ah! basta natatakot ako sa daanan nila…’yoko nang sabihin hahaba lang ‘tong estorya ko. lol
Ang di ko natutunan sa ngayon ay ang isaulo ang cellphone number ko, pero di yon importante. Sa mga prens ko dito, pag hiningi nila number ko, kelangan bigay muna number nila tapos e miscall ko, yan ang style ng lola nyo. Pero pag kasama ko si hubby syempre sa kanya ko itanong,
grabeh ka bobo ko talaga sa mga numbers.
Ano nga ba ang baguette, bakit yan ang title ko [smile] pag ihambing natin sa pinas eto ay rice, our daily bread.
Nakasanayan ng hubby ko pagdating nyan galing trabaho kusina diretso, mag slice ng baguette
lagyan ng ham at cheese, hhmm..sarap daw. kumakain lang ako nyan pag sobrang gutom mga alaga ko sa chan, iba talaga ang tinapayng pinoy tsaalap talaga, lalo na yong monay grabeh sarap nun.
’sang araw, walang nakaimbak na baguette sa lalagyan kaya sinubukan kong bumili
sa may bakery malapit lang naman sa bahay. Ang tindera sa bakery na yon at hanggang
ngayon ay Portuguese [from Portugal] medyo may edad na rin sya,.
eto yong maikling usapan namin:
Tindera: Bonjour madame! [madame kasi ang tawag sa mga babae dito bilang respeto, kaya medyo showkeng ang beauty ko nun, sa pinas kasi pag madame si ate Glo yon].
ako: [medyo nahihiya pa ilabas ang word na 'to] Bonjour,, one bread please,, the long one [sabay turo].
Tindera: naka tunganga di pala nakaintindi ng simpleng english ko, at medyo nalito
pa sa itinuro ko, ewan bakit hindi naka display ang baguette sa harapan, nahirapan tuloy ako mag explain.
ngeek! di talaga kami nagka intindihan basta ewan anong french yong pinagsasalita nya.
Swerte nga nung ale[tindera] at napigilan ko pa ‘tong dila ko, sasaguti ko sana sya ng salitang bisaya para maging patas kami.
Halos, itinuro nyang lahat ng tinapay naka display sa harapan. Di pa rin na getz ang sinasabi kong
“the long one”. ppwede lang nag invisible na ako sa tagpong yon.
Kaya alam nyo ba anong ginawa ko, tumawag ako key hubby sa work nya hehe… buti nalang
dala ko yong cellphone ko, pinakausap ko sya sa tindera, kasi sobrang hiya na ako nun,
mey ibang kustomer pa naman. Nag talking french si hubby at ang tindera,
ang malinaw na narinig ko, Ah! bageyt! sabi ng tindera!
sus naman baguette pala ang pangalan nun. Jusko, sobrang hiya ko talaga gusto ko sanang
ipaalam sa tindera, “pasensya na one week pa lang kasi ako dito sa Luxembourg”, pero pano ko naman sasabihin sa salitang French hehe…
Eto pala yong baguette at tama naman talaga na pedeng tawaging “the long one” diba?.
-:¦:-Huggiez…-:¦:-
´¨¨)) -:¦:-
¸.·´ .·´¨¨))
((¸¸.·´ ..·´ Happy weekend guys!-:¦:-
-:¦:- ((¸¸.·´*
23 Mar
Things here are going pretty good today, the sun is shining .. I couldn’t ask for a better day. :P
Found this rather interesting so thought I’d share….
Be thankful that you don’t already have
everything you desire.
If you did, what would there be to look forward to?
Be thankful when you don’t know something,
for it gives you the opportunity to learn.
Be thankful for the difficult times.
During those times you grow.
Be thankful for your limitations,
because they give you opportunities for improvement.
Be thankful for each new challenge,
because it will build your strength and character.
Be thankful for your mistakes.
They will teach you valuable lessons.
Be thankful when you’re tired and weary,
because it means you’ve made a difference.
It’s easy to be thankful for the good things.
A life of rich fulfillment comes to those
who are also thankful for the setbacks.
Gratitude can turn a negative into a positive.
Find a way to be thankful for your troubles,
and they can become your blessings.
*~*~*~*~*~**~*~*~*~*~**~*~*~*~*~**~*~*~*~*~**~*~*~*~*~*
Sa lahat ng graduates sa 2006, congratulations guys! :)
lalo na sa mga prens ko sila Jhesca, Ralp at Thian.
Congrats with your diploma and many good luck at college.
“Remember where you have been and know where you are going.
Life is not a race, but a journey to be savoured each step of the way.”
*~*~*~*~*~**~*~*~*~*~**~*~*~*~*~**~*~*~*~*~**~*~*~*~*~*
I hope that each of you had a pleasant day.
Recent Comments