30 Apr

Para senyo ang cutie na yan, kong gusto nyong alagaan paki kuha nalang.
Yay! mag one year old na pala etong blog ko!
Pano nga ‘to nagsimula. ah, basta eto yong pinaka unang
website na ginawa ko. Php script from mambo open source.
Tapos, bumili ako ng domain name yong akoni.info dahil gusto kong gumawa ng sariling web blog.
Pero di ko alam kong papano mag umpisa, kaya wala! pinabayaan ko lang sya.
Sa tulong ni Andie, sya yong unang
nagturo sakin ng wordpress kaya nabuhay ang akoni.info at iniwan ko na rin mga 2 weeks na ata.
Kasi nagsawa na rin ako, kaya eto si lollipop.lu na ngayon.
Mag birthday na pala ‘tong blog ko, secret muna ang date… kaya game tayo!
sabihin ko muna ang premyo, domain name, oo yan ang premyo pag nasagot nyo
ang mga katanungan ko.
Pero hindi yong country domain ha, generic domain lang,
like com, net, org, at info.
Eto explain ko muna, ang manalo bigyan kita ng domain name na gusto mo, op kors
may FREE hosting provider na yan unlimited pa. Pero yong domain 1 year expiration nyan kaya
after one year ikaw na ang mag renew or pede ako rin ang utusan mong mag renew at shempre
ikaw na ang magbayad hehe… Tsaka, halimbawa ay blogspot users ka pede ko rin e change ang url
sa new domain mo.
Eto ang mga tanong ko at hulaan nyo,. ang lufet anoh? psensya na, alang maisip eh. lol
A: Anong date yong pinaka unang post ko?[ May.....2005]
B: Anong oras yong pinaka unang post ko?[ .......am]
C: Ilang words yong pinaka unang post ko? [...... basta less than 200 words]
Good luck guys..Kelangan itama ang sagot sa tatlong tanong, ang unang maka sagot ay syang panalo.
Paalala: Hwag nyo ng halungkatin ang archives ko dahil itinago ko na
yong pinaka unang post ko, pati na rin dun sa akoni.info ko na site, kaya hulaan nyo nalang
diretso hehe…
May konting update pala sa adoption page ko, click here.
26 Apr
Paalala ang post na eto ay may konting kahabaan, psensya na ha. Dahil tamad din akong mag basa sa mga mahahabang post hehe… ayan inaamin ko talaga. Kaya naiintindihan ko rin kayo, na minsan yong comments off topic hehehe…
Mahilig ako sa sandals at bags, actually, hindi ako nakakalabas pag wala akong bitbit na bag
kaya kelangan yong sandals ko bagay yong kulay sa bag.
ika nga, mahilig sa fashion as long as its looks good to me naman noh.
Hindi ako maarte at ayaw ko rin sa mga maaarte, simpleng ka kikayan lang ang type ko.
Nasa europe ako kaya summer lang talaga maka pagsandal
at flip flop. Sasabihin ko nalang senyo dalawa lang boots ko, pramis! pang winter lang hehe…
kong kaya ko lang talaga ang lamig dito, aba, bakit mag boots pa ako.
May bad experienced din ako sa boots, na slide ako! kahit may spikes pa nga.
buti kong snow
ang binagsakan ko. Eh, snow naging ice kaya masakhet talaga yong butt ko.
Pag sobrang snowy at icy roads, yon ginagamit ko, kaya mukhang new pa rin hetong boots ko.
mas gustuhin ko yong simpleng sapatos na katulad nito,at eto pa klaro[ psensya na kayo, gutom lang tong alaga ko.]
ikwento ko na rin yong karanasan ko sa sandal.
Dati nung studyante blues pa ako, shempre kinukupit ko yong extra sa tution fees,
bali sinusubrahan ko yong paghinge kay mama, vibes kami ni mama kaya nagbigay agad yon hindi na
nagtatanong bakit medyo malaki yong tution fee ko.
[hwag nyong sabihin dihins kayo nangungupit, gawaing estudyante yan] lols.
ginagawa ko yon minsan lang naman hehe… Ang sama ko talaga anoh! Patawad sa parents ko hehe…
Tapos yong na kupit ko, ipambili ko yon ng mga pang kikay na abobot. At shempre hindi ko
talaga malimutang bumili ng sandal kahit sa bangketa lang may tawad pa diba,
at least nakisabay na rin sa uso hehe..
May summer class ako nun, naka sandal ako lagi. Aba nung uwian na, nakaabang ng jeepney.
Pipili pa ako ng jeepney yong hindi puno, kase alam nyo na, Kapag puno ng pasahero yong jeepney sa unahan ka
talaga uupo sa may likuran ng driver, at ikaw pa yong gawing konduktor *[taga abot ng bayad]* na minsan nahuhulogan ka pa ng nangangating balakubak
ni mamang driver. At pag swertehin ka talaga may power sa kilili yong iba.
Pero yon, hindi lang ako ang namimili ng jeepney ibang estudyante din. kaya yon akyatan na
kaming lahat, *[hindi sa puno ha]*. Aba pag hakbang ko pa’y naiwan yong kaliwang sandal ko, kase ba naman, inapakan nung
mamang estudyante, jusko as in sira talaga. Inabot pa sa’kin. As in hiyang hiya ako noh,
gusto kong umiyak an sarap bigyan ng sipang kabayo yong umapak, lahat pa naman nakatingin sa’kin.
wala akong magawa, kaya patagilid na rin akong umupo, yong paningin ko sa labas
habang tumatakbo yong jeep. Napansin ko nalang may ningunguya pala akong
chewing gum kaya iniisip kona anong dapat gawin 2 rides pa naman ako nun, bali yong
pangalawang rides ko motorela o trisikad na.
Tsaka ala akong paki, kong alam din nila yong balak kong gawin, basta sinigurado ko lang
yong chewing gum na hindi na matamis para didikit sya.
Imagine pag baba ko ha, ayaw pa rin humiwalay yong mga mata nila, bitbit ko yong
kaliwang sandal na sira pero bagong bili yon, sa may bangketa nga.
Kaya yon, dinikit ko talaga yong chewing gum. Tapos sinuot ko na yong sandal ha, padahan-dahan talaga akong naglalakad patungo sa hintayan ng mga motorela at trisikad.
Mukhang napilayan talaga. Pero alam nyo ba, umabot lang
ng tatlong hakbang sira na naman. Hindi umepek yong chewing gum. Haay.. lalo akong napahiya
kaseh kala nung nakatingin sa’kin talagang napilayan ako, yon pala’y sira yong sandal ko.
Karma ko na yata yon sa pangungupit kay papa at mama anoh? kaya, talagang binitbit ko nalang noh.
Walang pag-asa, kasi di naman pedeng talian strappy style sya hindi yong tsinelas type. Sumakay ako ng
trisikad, at least ako lang ang pasahero at si mamang trisikad lang ang nakatingin na isang
paa lang yong suot ko na sandal lols.
Dobleng parusa, ayaw pa naman akong ihatid sa tinutuluyan ko kase bawal daw pumasok yong
mga trisikad kaya nilalakad ko pa talaga. Grabeh, sobra talaga yong karma na yon hehe…
Pagdating ko, nawala yong gutom at umiyak muna ako bago kumain at umabsent sa afternoon class ko, kasi
yong parang nalilito utak ko epekto yata sa sobrang hiya anoh? hehehe… kayo kaya nun cguradong lalagnatin din kayo. lols.
Ano kaya kong sa jeepneyng yon, sumakay din yong crush ko haha…
25 Apr
May mga pangarap na kay daling abutin, meron din namang mahirap. Pero alam nyo ba mas mainam pala kung
ang Dios ang syang gagawa …
Pero bakit naman ugali ko’y ganito,
always in a hurry. totoo! I can easily be very impatient, and, when I want something, I usually want it now.
But i’ve had to learn that God doesn’t function that way.
Kaya naalala ko yong kabataan ko, Kapag ipangako ng magulang ko na isama ako
sa lakad nila o kaya’y bibilhin yong gusto ko. *Kapag pangako’y napapako,* iiyakan ko
yan buong linggo.
Yes, its true im the most stubborn person on this earth. I always heard that from
my parents when im a kid, at hanggang ngayon kay hubby ko na naman naririnig. May pagka spoiled konti, but i tell you im really mabait naman.
Love my own ba? pagbigyan nyo na, ngayon lang ‘to!
Balik tayo sa pangarap… kay raming naabot na mga pangarap ko sa buhay.
Pangarap ko at pangarap din ng panginoon para sa’kin. Eto ako ngayon, masaya
at patuloy pa ring nangarap. At sana sa lahat ng inaasam-asam kong mga pangarap
patuloy pa rin ang mga biyaya.
Siya, *[in my old post]* isa sa mga pinangarap ko, na sana hindi na tuluyang maglaho ang lahat.
I know, only God knows the best timing for answering my many prayers… His love doesn’t include the obligation to hurry.
Kaya lubos ang paniniwala ko’y makasama ko syang muli. Mahal kong kapatid.
Success in any endeavor depends on the degree to which it is
an expression of your true self. ~Ralp M~
Psensya na rin kayo sa music ko, miz ko lang kaseh ang li’l sis ko eh, pero nasa Dubai sya ngayon.
Congrats pala kay Chikai graduate na sya ng college! wahoo..
Go gurl!!! Dra. na jud ka hehe…
Recent Comments