Archive for April, 2006

Kapitbahay namin…

Nag walking kami kanina ni churchill (doggy ko).
Paglabas ko ng bahay nakita ko yong kapitbahay namin nag lilinis sa garden nya.
Nung medyo malapit na yong distansya namin nag “hi madame” lang ako.
Eh, sinagot pa naman ako sa ganito; (sa salitang Luxembourgish);
madame yong aso nyo (sabay turo kay churchill) palagi nyang hinahabol pusa ko.
ang nakakatawa, wala syang maituro na pusa, kaya dinagdagan pa nya ng meow meow,
sarili nya ginawang pusa lol’s.

Naniniguro lang sya na naiintindihan ko yong mga sinasabi nya.
Si madame kong kapitbahay, ang akala nya di ko sya naiintindihan.
Shempre naka smile ako, at sinagot ko na rin sya sa salitang Luxembourgish;
pasensya na madame, naawa rin ako sa pusa nyo palagi nalang nakaakyat sa puno tuwing
nakikita ng aso ko.

Kaya ayon, nagtawanan kaming dalawa dahil ang akala nya hindi kami magkakaintindihan.
Ang koolit ng madame, mabait sya ka edad ng mother inlaw ko.

Naalala ko tuloy yong unang ka klase ko sa Luxembourgish, taga Portugal sya
at di raw nya alam mag talking dollar. Palagi pa naman kaming magkasama.
Ang hirap pag pareho kayo walang alam na salita, magkasama pero parang mga pipi tahimik lang kaming pareho.

Habang kumakain sya ng chocolates, alam ko anong gusto nyang sabihin na “ethel gusto mo”
ang problema paano at anong salita na maintindihan ko, ..eh, la akong alam sa salita nyang Portuguese.
Tsaka ala din syang talking dollar, kaya ang sinabi nya
ganito, “ethel, nam nam” sabay pakita ng chocolates nya, hehe… Dati yon kasi hindi pa kami marunong
mag salita ng Luxembourgish.
Pero sa ngayon, magkasama na kaming maingay…eto si Zelia at ako.


magka barkada, sa wakas masaya na kami pag gumala.

When I am alive I stay put where I am. It is only when I am dead that I move about here and there. Who am I?

  • 31 Comments
  • Filed under: Spring
  • matampuhin…

    Matampuhin ako! and that its hard to change…really.
    maliliit na bagay pinalake ko!
    Ganyan ang ugali ko kay hubby, but he’s very pasensyoso din.
    kase pag tatawag ako sa kanya, pag sinabi nyang, “call me later, ok?”
    shempre ako matampuhin, hindi na ako tatawag, busy sya eh.. e di busy na rin ako.

    Haay, ugali ko na ba talaga ang ganito? sabi nga nya sobrang matampuhin daw ako.
    Minsan itanong nya anong ikinagalit ko. Ah, basta may dahilan pa rin ako.
    He said im not understanding daw, hmmft! ewan, tama yata sya!
    At lalong madagdagan ang tampo ko pag sinabi nyang di pa daw ako adult nyaaahh
    insulto yon noh!

    Iba ako pag nagtampo, kahit isang linggo kaya kong maging pipi sa loob ng bahay.
    (weird ba?) totoo dahil ganyan ako, namana ko ‘to sa mama ko.
    Ayoko talaga ang inaamo ako, lalo akong magagalit nyan at baka aabutin pa ng isang
    buwan ‘tong sumpong ko.

    Kahit isang araw ay di kaya ni hubby na maging pipi ako.
    Kaya pilit pa rin nyang magtatanong at makiusap. Ang sagot
    ko ay “sh*t up” eto lang ang pinaka masamang salita na alam ko.

    HIndi ko naman sya ginawang ander de saya, basta ang gusto ko sundin nya,
    pag tahimik ako hwag nya akong kausapin para wala syang marinig na masama.
    Pero kahit ilang milyon ang ilalabas ko na sh*t up nag binge bingehan pa rin si Mokong.
    Kaya hahantong na magkulong nalang ako sa kwarto, pero alam nyo ba nakaka pagod
    noh! iinit lang yong puwewet ko sa kakaupo, kalyo sa puwet ang napala ko.

    Pero sa palagay nyo sino ngayon ang hindi pa adult, eh paglabas mo galing sa kwarto
    dami mong makitang naka dikit na ilabyo. Imbis na tanungin ako na gutom kana? i labyo,
    i labyo…kahit pag tawag sa aso i labyo pa rin, wala akong ibang marinig.
    E shempre natawa ako sa ka OA-han ng hubby ko, as in OA sya!
    Balak ko pa naman bukas na ako tatawa, tinopak ako kanina. Jusko kami yatang dalawa ang hindi pa adult,. nyaahaha..
    MaTaMpUhIn din ba kayo?

    We were born of the same mother, on the same day, at the same hour and in the same year. Yet we are not twins. How do you explain this?

  • 32 Comments
  • Filed under: Spring
  • Busy weekend!

    Hi Guys! God bless your heart! … thank you so much for
    all the greetings and wishes i appreciate it. Thanks a million!

    Last wednesday sa anniversary namin, di pumasok sa work si hubby hanggang ngayon, Friday.
    kaya 3 days grabeh yong gala namin. Pero nakaka pagod noh, kasi ako ang ginawang driver.
    Ok lang, nawala rin yong pagod ko dahil hinayaan akong mag shopping mag isa, as regalo
    daw nya. Pinapili nya ako anong gusto kong regalo, e syempre mas gusto ko
    talaga ang mag shopping hehe..

    Next weekend pala, magkita kami ni VK aka Bonbon, kaso lang di matuloy :( waahhh..
    sori talaga Bon, super excited pa naman akong magkita tayo.
    may pupuntahan kaming importante talaga sa Brussels (Belgium)
    as in importante talaga. Maaga kaming aalis tapos mga gabi na kami makabalik nyan sa
    Luxembourg.
    Hindi sana ako sasama, pero ayaw eh, wala akong magawa.
    Kaya Bon, next time nalang tayo magkita. O baka
    mapadpad kami uli jan sa europa park pwede na rin kitang daanan.

    Happy Friday and a very good weekend to everyone!
    weekend ko, medyo busy, mag lilinis ng bahay, umaapaw na ang laundry basket,
    at malapit na kaming habulin ng plancha!

    What is always behind you but you can never touch it?

  • 40 Comments
  • Filed under: Spring
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: