Hi everyone muzta kayo, ay mabuti at nagustuhan nyo yong reflet na program super dali lang sya kaya cguradong magustuhan nyo. Kumusta pala ang weekend nyo,
dito samin ok lang naman, half sunny and cloudy day! at least gumala pa rin kaming tatlo,
hindi pedeng iiwan ang four legged boy ko.
Kaya yong ibang lugar na pinuntahan namin hindi kami nakapasok dahil bawal ang doggy.
Gusto ko pa naman sumakay sa cable car, eh bawal yong doggy dahil maliit lang, tsaka hindi sya
sarado, eh baka tatalon pa si churchill.
Di namin maiwan sa sasakyan ang doggy kase medyo mainit nga, baka pagbalik namin maging hotdog na
.
Tapos ayon nag walking kami sa corniche, aba biglang tumae ang doggy ko, natawa kami kase tinuka pa sya ng swan
. Natakot tuloy sya, kase dati hinahabol nya ang mga yon
as in ang galing talaga lumangoy ni churchill. Ngayon baligtad na sya na yong takot sa swan mula nung natuka sya
.
eto yong pic ni churchill at ng swan.

tapos kagabi nag upload ako ng smilies gusto ko ang kulay ng mga ‘to, galing kay Natasja sa kawaii.com, thanks
hun. Tamad akong gumawa sa mga ganito uber liit kase. Habang inaupload ko to kagabi, nauntog pa naman
yong tuhod ko sa table, kala ko nga nadurog na ang patella ko[knee cap], as in sobrang sakit talaga tapos ako lang
mag isa sa computer room kase nag luto ng dinner si hubby. Aba, talagang nag dilim ang paningin ko ha.
Gusto ko man tawagin si hubby, eh di ko na talaga nakayanan nawalan talaga ako ng malay. Jusko, ganon pala yon
pag na collapse ka. Namalayan ko nalang dinidilaan ako ni churchill cguro nagtaka yon baket nasa floor ako.
Grabeh nanghihina yong pakiramdam ko, tapos ayon tinawag ako ni hubby dahil kakain na raw kami. Padahan dahan
akong bumaba baka dumausdos pa ako sa hagdan. Laking gulat ni hubby dahil namutla ako, wala talaga
syang kamalay malay sa nagyari buti pa si churchill.
At yon, sinabi ko sa kanya ang dahilan, natakot bigla at niloko naman ako, sabi pa nya, ayan na collapse kana sa kakablog
loko talaga yon.
Yong little sis ko rin dati maliit pa kami nun, nag aaway. Sa sobrang galit ko naibato ko sa kanya yong roller blades nya, aba eksakto yong gulong tumama sa siko nya, na collapse talaga sya ha,. Pero imbis na tulungan pinabayaan ko sya ang akala ko kase nag inartista na naman para amuhin kase may pagka maarte yon eh.
Akala ko tinulugan yong away namin, hanggang nagkamalay putla sya. Syempre natakot ako noh!
Buti nalang di sya nagsumbong sa parents namin, kase binantaan ko pag magsumbong babatuhin ko sya uli.. takot din yon sakin kase tinu totoo ko talaga yong mga sinasabi hehe..

Open hosting sa lollipop.lu, pero may kunting requirements nasa sidebar ang info.