Edited: Guys, may mga late nag submit ng pixel tsaka may dahilan naman baket sila late. So ang Polls ngayon 2nd batch na yan, yong first batch shempre ni record ko yong mga points.

TGIF “*Thanks God its friday*” at sana naman may sunshine kami para masaya ang weekend.
Isang linggo na pala ‘tong weather namin na ulan-init at pag gabi naman frozen sa lamig.
Haay naku, balik heater na naman kami.

Kahapon, holiday pero sobrang panget talaga ng panahon walang init-malamiiig brrr…
Oh, haring araw nasaan kana.
Kaya sa bahay lang kami kahapon - na kong ano-ano nalang yong
pinagka abalahan namin ni hubby. Lumabas lang kami dahil may binili tas balik agad.
Kaya nag babad na naman ako kahapon sa puter ko, inaayos ko yong hosting site ko. Abangan
nyo malapit ng matapos, di ko muna ipalam senyo ang domain name baka makita nyo hehe..

Salamat sa lahat ng sumali sa Best Artist Award nahirapan akong mag judge. Lahat
kase maganda, guys tulungan nyo ko, iboto nyo yong pinaka best sa paningin nyo.
Sa
lahat ng sumali paki kuha ng button na ginawa ko. Idikit nyo yan sa site nyo para
makita ng iba at malamang iboto pa kayo diba.

Paki click ng button “*best artist*” at kopyahin ng maayos
yong code.

===================================

Honga pala nanalo ako sa pa contest ni Sherica, tenk you sa bumoto sakin - eto pala award ko, ang ganda talaga ng award na ‘to inlab na inlab ako sa kulay. Tenk you sissi.

===================================
Inutusan ako ni Idealpinkrose, gawin ko raw ‘to.
instructions: name 10 of life as simple pleasures that you like the most,
then pick 10 people to do the same. try to be original and creative,
and not to use things someone else has already used.

1-Shempre pag narinig ko ang “*i love you*” everyday.
2-Yong biruan namin ni hubby at parehas kaming natutuwad sa tawa.
3-Yong kahit kasalanan ko inaamin ni hubby.
4-Pag tinatanong ako anong gusto kong kainin para lutuin nya.
5-Weekend dahil kasama ko si hubby kahit saan.
6-Pag nag walking kaming tatlo, “*doggy yong pangatlo.*”
7-Bakasyon sa peborit kong lugar “*Switzerland & Austria*”
8-Phone call ni hubby pag nasa work sya.
9-Yong kaming dalawa ni hubby mag lilinis ng bahay.
10-Phone call ng parents inlaw ko.

Sa wakas tapos na ang assignment na ‘to. Ngayon kayo naman guys
Sonia ~
Ghie, ~ Amy, ~ Babette, ~ Chikai, ~
Laine, ~ Nyurnie, ~ Janiine.
===================================
May new graphics pala ako tingnan nyo baka gusto nyo.

Happy Weekend guys, labyo all…!