24 May

Alam nya, na maliligo sya. Ganito kase ang ginagawa ko sa kanya.
Ilalagay ko muna sa laundry basket at dadalhin sa shower room.
Hindi naman sya papalag
alam nya eh, pero alam ko parang death penalty yon sa kanya. Takot sa blower.
Pagkatapos maligo, kinukulit nya yong mga pusa takbuhan nga. Ang ingay talaga. Hay wala akong magawa
pagsigawan ko na rin sila, ang kulit talga ng mga alaga ko. kaya kelangan laruin ko muna sya ng bola, para walang gulo sa loob ng bahay. Magkagulo lang naman pag matapos maligo yang doggy ko.
Ewan, siguro galit sha anoh? o baka gusto rin nyang maligo yong mga pusa hehehe..
Etong mga cuties kong mga alaga pag na initan sila dito ang tambayan nila, unahan lang yan sila. Si churchill
bawal pumasok sa kubeta dahil delikado. Peborit kase nya yong toilet brush na ngatngatin, yuck!
tsaka yong toilet paper.
Tatlo yong alaga kong mahinhin, pero eto ang pinaka peborit ko. Mataba pa nga yan sakin eh. Mula nang dumating si
churchill sa buhay nila minsan nalang namin sila mahawakan. kase pag nakikita ni churchill na hinahawakan mo,
ang gulo ng mundo nila, napaka seloso talaga ng aso.
Obvious ba na wala akong ma ipost? hehehe… wala nga! masakit tong kaliwang kamay ko, kinunan ako ng
dugo kaninang maaga. Sabi pa ni hubby, dahan dahan lang Dok baka yang neddle aabot sa buto ng misis ko.
loko loko talaga yon, tawanan sila. Tas sa urine naman, ang tagal ko sa kubeta, walang ihi eh, dahil kaiihi ko lang.
Kumatok si hubby sabi nya, “*ang tagal, gusto mo ako nalang iihi para sayo*” sagot ko, “*ok na may ilang drops pa naman.*” 
Late na nga sha dahil sinamahan ako.
O cge ingat kayo guys, blog hoping muna ako.
Sa mga nag sent ng pixel sorry kong nag bounce yong addy ko, pero ngayon ok na. Sali na
Hhmmm.. paalala lang ‘to ha, may natanggap akong email ngayon lang. Tas yong email addy ng sender email add ko rin. huh! ibig sabihin may gumamit sa addy ko. Wala namang masama sa enimail nya - pero, who knows may gagawing masama yong gumamit sa addy ko divah? Pano nga nya ginamit addy ko? Outlook express yong ginamit nya, hindi naman sya nakapasok sa account ko basta ginamit lang nya yong addy ko sa outlook nga. Shempre nakuha ko yong IP nya. Ang iniisip ko lang na sana wla syang gawing masama sa addy ko, malay natin mang-away sya tas ako ang mapag bintangan o kaya’y email add nyo rin ang gagamitin nya hhmm..hwag naman sana. Kung nabasa nya ‘to, psst.. hwag kang manggamit ng ibang email pls. Tsk tsk tsk
22 May
Halo guys happy Monday senyong lahat.
Weekend namin grabeh ulan-init, hay lamig pa!
Kahit umulan kahapon gala pa rin kami.
Nagutom at pumasok sa restaurant para mag dinner. Iba style dito, Pag pasok mo sa restaurant hindi ka agad
lalapitan ng waitress, mag antay kapa bawal yong *”excuse me”* basta mag antay kalang kong
kelan sila lalapit sayo.
Ako’y gutom na, mga 20 mins saka lumapit yong babae. Order ko beef steak shempre wid fritten[fries] na
yon tsaka salad, kay hubby naman ham lang sa kanya. Aba nag antay uli kami ng mahigit isang oras.
Hay naku naisip ko sa pinas, pag order mo ilang minuto lang anjan agad. Ang bilis.
Pero dito, order mo beef steak- saka pa nila katayin yong baka, o pag isda naman
saka pa sila mamingwet - sa sobrang tagal ganun nga maiisip mo.
Pagkatapos mo namang kumain mag antay ka uli ng ilang oras. Basta pag tayo mo, medyo
nagugutom kana rin sa tagal ng kaka antay mo. Nasanay na rin ako sa ganitong style. Pero kahapon grabeh
muntik na akong mag collapse sa gutom.
————————————————–
May naisip pala akong pa kontest, nakuha ko ‘tong idea kay sissi Mary. Pero magkaiba lang kami ng style,
hindi ako nanalo sa pakontest nya panget kasi yong egghead ko.
Alam ko maraming gustong matuto ng pixelling lalo na kay Babette natanong nya tungkol sa outline.
Hmm… may ginawa akong outline nung sabado, sasabihin ko senyo more than 1000 ang mga outlines ko dito.
dami anoh? mahigit isang taon na kase akong natutong mag pixelling.
Tinatamad akong mag kulay. Yong ibang outlines gawa ko, yong iba naman galing sa grupo na sinasalihan ko,
pero may bayad yong membership ha.
O cge na, eto gawin nyo. E save nyo tong outline na ‘to, tapos kulayan at pagandahin nyo. Pag PSP gamit mo dito at pag adobe naman ditoka.
sakaling nahirapan kang mag save, makikita mo ditoright click mo lang, pero hindi sya transparent.
Basta email nyo sakin ang resulta sa ginawa nyo bigyan ng pangalan at anong program gamit mo. Hanggang Friday ang submission!
Good luck sa mga sumali…O cge na, para marami na tayong maadik sa pixelling hehe…
Ang PREMYO sample lang yan ha. Sana magustuhan nyo na rin ang premyo.
Paalala sa lahat ng sasali sa “Best Artist Award” ibahin nyo ang kulay ng ouline lalo na yong body, basta pagandahin nyo. Sure pede animated. Good luck..ako’y ma late na pala sa appointment ko lols. maya na ako mag bloghop. CIAO
Tenk you pala kay babyjen sa cute pixel na eto inilagayy ko sya sa koleksyons ko makikita dito.
19 May

Nakakapagod din pala mag blog ano? 
Tinamad akong mag post, pero sige na nga e kwento ko na rin yong nagnyari kahapon.
Nag drive ako na walang side mirror yong sasakyan, nasubukan nyo yon? Buti nalang walang naligaw na pulis
kahapon, siguradong mapagalitan ako mag penalty pa.
Halos puno yong parking sa school namin at may natirang space ang liit naman.
hindi ako sanay mag park sa ganun ka liit. eh, late ako kaya no choice, dun na nga!
Nahirapan nga akong lumabas, halos di ko ma open yong door dahil sa sobrang liit,
pang *smart car* nga lang yong place na yon. Nakalabas naman ako at patakbong pumasok sa klase late
ng 20 mins.
Nang uwian na. Pag atras ko para lalabas na nga, - jusko nang dahil sa pader na yon nabasag ang side mirror ko. Sa left side pa!
As in putol ha, pero naka bitin sya dahil anjan yong wirings.
Argh! timing na wala akong chewing gum para idikit ko sana. Kaya ayon tumatakbo yong sasakyan na walang side mirror.
Ang bilis ko talagang nag patakbo, dahil gusto ko nang makarating sa bahay at iiyak.
Pagdating sa bahay. pinagalitan ko talaga sarili ko. *Napaka careless ko talaga, baket di ko tinupi
yong side mirror.* Napaka tanga mo ethel!
Sabi ni hubby hwag ko raw sisihin sarili ko. Ang sasakyan pedeng palitan. Eh, pano nalang daw kong yong
ulo ko ang nabasag..jusko, tama nga si hubby ko. Kaya medyo huminahon ako, pero naiiyak naman dahil ang tanga ko nga.
Salamat sa napakabait kong hubby dadalhin daw nya sa garage sa Saturday [bukas]. Mula ngayon never na akong mag park sa place na yon, kong sakaling dun ako mapunta uuwi nalang ako at sasabihin ko kay hubby na wala kaming klase. Plano ko lang yan ha!
Happy weekend guys! labyo all mwaahh…
nakatanggap ako ng email galing sa napa kool na blogger ganito sabi nya; ate ethel. maraming maraming salamat sau. hinding hindi kita makakalimutan kailanman!!! bye sobra sa salamat ate ethel. wag ka na reply. d ko na din mababasa eh. bye hehehehe ingat lage. bye thankz thankz thankz thankz!!!!!!!
agad kong pinuntahan site nya, huh! nagulat nga ako. Ma miz din kitang sobra bunso.
Recent Comments