17 May

Hi everyone, It’s such a beautiful day here today, tapos na ang ulan inulan kase kami kahapon.
Buti nalang hindi kami nabasa ng doggy ko nag walking kami as in ang layo nang nalakad namin.
Medyo sakit ng paa ko ngayon kase nung Monday din dumating yong kasipagan kong mag walking kay churchill 
i hate walking talaga. Pero
kelangan talagang ilabas ‘tong doggy ko, kawawa kaseng naka kulong palagi.
Tas kahapon di ako pumasok sa klase..Pagdating ni hubby galing work,
natanong nya baket di ako papasok, sagot ko, masakit ang binti ko..aba sagot naman nya, shallow reason daw.
Kaya yon, umupo sa medyo sulok ng sala para pabayaan nya ako. Pero nangungulit pa rin tanong pa rin kong
anong dahilan baket di ako papasok, nakasimangot na ako’t di sumasagot medyo umuusok na nga tenga ko eh,-kase
ang kulit nya. Nakakatamad kase yong klase ko pag Martes from 8-10 ng gabi, eh oras ko pa naman yan sa pag
bablog hehe…Kaya pinag isipan ko talaga anong idahilan para makalusot. Nangungulit uli nakakairita nga yong
tanong eh, ano daw ang dahilan. Kaya sumigaw na ako,
*ang kulit mo sumasakit na ulo ko sa
kakulitan mo.*[hindi naman masakit ulo ko ah, akting ko lang yon]. Kaya yon, di na nangungulit inaantay
pa kaseng masigawan ko sya. Maya-maya lumapit pa naman may dalang gamot na panadol at tubig, inumin ko raw
! kase,
sakit daw ulo ko, haha.. uber OA talaga ng hubby ko. Buti nalang nag ring yong phone tawag ng mom inlaw ko,
kaya di nya nakitang inihulog ko yong panadol sa likuran ng sofa, hehe.. e di lusot ako. Haay.. jan talaga ako magaling, ilang
beses ko na kayang nalusotan si hubby. Pero sakin, never syang makalusot. Subukan nya! hehe..
Talagang pag nasa bahay ako, computer room yong peborit kong tambayan hehe…Dahilan sa pixelling,
na ‘to. Argh! nakakaadik talaga, pero nakakatulong din pag na bored ako. Oks din!
Alam nyo feeling ko ngayon nasa pinas hehe..na connect ko kase from my laptop to stereo namin ang *home radio 97.9 FM*
sa pinas. Ganda ng mga music nila live pa!
Sarap mag linis ng bahay pag may music talaga, at hindi ako natamad mag plancha.
Kaya goodbye CD’s, mula ngayon sa sasakyan nalang kita pakikinggan.
Tapos yong lunch ko kanina tortang talong, feel nga pinas eh. Pero medyo hindi ako nasarapan, kase na halo halo 2 d max sya. Durog yong torta ko! i mean hindi naporma. Tinanong ni hubby anong
niluto ko. Tortang talong nga! sa paningin daw nya parang sardinas wid eggs hehe.. Sa ganyang recipe lang naman ako magaling eh. Tumikim si hubby, sabi nya delicious daw ang itlog, at least may nice compliments pa, hehe.. Ready made soup lang naman yong ipapaluto nya sakin pag lunch, like tomato soup at yong ibang parang noodles mga ganun lang kinakain nya pag lunch. Ah, basta nabusog na rin ako sa lunch habang nakikinig ng *home radio FM* hehehe..
Help me naman mag isip…anong magandang domain name na maganda rin pakinggan pag sa subdomains(hostees) papalitan ko yong pinayhosting.com, share anong maisip nyo ha. tenkyo!
Guys, maya na ako bibisita sa bahay nyo ha. Maraming salamat sa lahat ng bumibisita dito, labyo all..
15 May

Hi everyone muzta kayo, ay mabuti at nagustuhan nyo yong reflet na program super dali lang sya kaya cguradong magustuhan nyo
. Kumusta pala ang weekend nyo,
dito samin ok lang naman, half sunny and cloudy day! at least gumala pa rin kaming tatlo,
hindi pedeng iiwan ang four legged boy ko
.
Kaya yong ibang lugar na pinuntahan namin hindi kami nakapasok dahil bawal ang doggy.
Gusto ko pa naman sumakay sa cable car, eh bawal yong doggy dahil maliit lang, tsaka hindi sya
sarado, eh baka tatalon pa si churchill
.
Di namin maiwan sa sasakyan ang doggy kase medyo mainit nga, baka pagbalik namin maging hotdog na
.
Tapos ayon nag walking kami sa corniche, aba biglang tumae ang doggy ko, natawa kami kase tinuka pa sya ng swan
. Natakot tuloy sya, kase dati hinahabol nya ang mga yon
as in ang galing talaga lumangoy ni churchill. Ngayon baligtad na sya na yong takot sa swan mula nung natuka sya
.
eto yong pic ni churchill at ng swan
.
tapos kagabi nag upload ako ng smilies gusto ko ang kulay ng mga ‘to, galing kay Natasja sa kawaii.com, thanks
hun. Tamad akong gumawa sa mga ganito uber liit kase. Habang inaupload ko to kagabi, nauntog pa naman
yong tuhod ko sa table, kala ko nga nadurog na ang patella ko[knee cap], as in sobrang sakit talaga tapos ako lang
mag isa sa computer room kase nag luto ng dinner si hubby. Aba, talagang nag dilim ang paningin ko ha.
Gusto ko man tawagin si hubby, eh di ko na talaga nakayanan nawalan talaga ako ng malay. Jusko, ganon pala yon
pag na collapse ka. Namalayan ko nalang dinidilaan ako ni churchill cguro nagtaka yon baket nasa floor ako.
Grabeh nanghihina yong pakiramdam ko, tapos ayon tinawag ako ni hubby dahil kakain na raw kami. Padahan dahan
akong bumaba baka dumausdos pa ako sa hagdan. Laking gulat ni hubby dahil namutla ako, wala talaga
syang kamalay malay sa nagyari buti pa si churchill
.
At yon, sinabi ko sa kanya ang dahilan, natakot bigla at niloko naman ako, sabi pa nya, ayan na collapse kana sa kakablog
loko talaga yon.
Yong little sis ko rin dati maliit pa kami nun, nag aaway. Sa sobrang galit ko naibato ko sa kanya yong roller blades nya, aba eksakto yong gulong tumama sa siko nya, na collapse talaga sya ha,. Pero imbis na tulungan pinabayaan ko sya ang akala ko kase nag inartista na naman para amuhin kase may pagka maarte yon eh.
Akala ko tinulugan yong away namin, hanggang nagkamalay putla sya. Syempre natakot ako noh
!
Buti nalang di sya nagsumbong sa parents namin, kase binantaan ko pag magsumbong babatuhin ko sya uli
.. takot din yon sakin kase tinu totoo ko talaga yong mga sinasabi hehe..
Open hosting sa lollipop.lu, pero may kunting requirements nasa sidebar ang info.
12 May

Guys, eto na yong pramis ko na water effect tutz, tsaka reflect program na gamit ko nyan. Actually, may mga nagtanong
kase pano ko ginawa ang water effect na yan. Sa mga hindi pa
marunong kung pano gawin, hindi naman ako madamot kaya e share ko senyo.
Pero pasensya kayo ha, French ang program na ‘to. Diba, sinabi ko rin, madali lang sya kaya maniwala kayo
hindi kayo mahirapan nito. Pramis talaga! mag enjoy pa kayo hehe…
Una nating gawin e download muna ang program na ‘to, maliit na program kaya madali lang sya e download at paki tandaan nyo saang folder nyo nilagay para di
kayo mahirapan mag halungkat.DOWNLOAD HERE. Don’t worry galing sa files ko
yan kaya safety, no virus. Kung wala pa kayong ready na image eto muna gamitin nyo, si chuppies click here.
Para parehas tayo ng resulta gamitin nyo muna si chuppies, ok?
1: Ngyon paki open nyo yong *reflet exe* na dinnownload nyo.
Pag na open nyo na, punta kayo sa Fichier-Files then Ouvrir-open, saan nyo sinave si chuppies
e open nyo sa ouvrir. View here.
2: Pag na open na yong chuppies image, punta kayo sa options, then animation entreé. Diba gumagalaw na yong image. View
here.
3: Sa options uli, punta sa vitesse-speed then Lente-slow sundin dito, view here.
4: Sa options pa rin, sa Type de vague-type of wave then Lounge-long view here.
5: Pagkatapos yong images ilagay nyo sa 13. then Hauteur-height ilagay sa 50, then piliin ang Perspective. View
here
6: Tapos kana, e save mo! Fichier-files then Exporter ganito, view here.
Kelangan gif files sya, pag save mo diba lalabas yong confirmation window, click Non-No
sundin mo dito, view here
Tapos na! diba napaka dali at napaka easy lang, Kapag sinunod nyo ako, parehas ang resulta natin sa chuppies ko.
Guys, pwede nyong pag praktisan kahit anong image kahit pic nyo hehe.. kahit ano nga eh, coolit! Kaya bigyan
ko rin kayo ng translation kong anong pinag sasabi sa reflect exe na yan. CLick here
Sana nagustuhan nyo, at salamat sa mga nag tanong kong pano ko yan ginawa. Ayan marunong na rin kayo hehe..
pero pag pasensyahan nyo ha French kase sya, pero kahit na madali lang naman diba?!.
I’ll tell you something pala, as always, when i need advice i turn to my most trusted friends. I do this because i know you will always be and honest with me.
I need your opinion on something that has been bothering me for some time now.
I am counting on you, so please don’t let our friendship influence your answer. Thanks in advance!
Does this bikini make my butt look too big??? click here. Be honest please!
Happy weekend sa inyong lahat, enjoy kayo kong saan man kayo gagala. Maganda ang panahon dito maraming sunshine
kaya gagala din kami
. Labyo all!!!
Yong pinagsasabi kong *agiolax* sa previous post passbook ko yon sa banco de kubeta, si carlota at Frenchie nagtanong pa, hehehe.. kayo talaga. Sa inyong lahat mayang gabi ko na kayo dalawin, may lakad pa ako late na nga eh! hehe..
Recent Comments