Archive for May, 2006

Hello sa mga dati kong prens at sa mga baguhan kong mga cutie friends,
maraming salamat sa walang sawang pag bisita dito sa site ko. Labyo all!
Myerkules na ngayon, grabeh ang bilis talaga ng panahon parang kahapon lang yong weekend.
Sa wakas natapos ko na yong naka tambak na planchahin. Pramis talaga sa sarili ko,
ayoko nang mag ipon ng planchahin ang hirap pag naka tambak. Lahat kase pina plancha ko pati underwear lols.
May mabibili na kayang makina na nag paplancha? cguro meron na, lols.
Kahapon, may rendez vous si hubby after sa work nya, tas ayon sumama naman ako. Nang paakyat na kami sa ofis ng atty nya, saka pa
nag reklmao etong tyan ko na gustong mag deposito sa banco de kubeta.
Kaya sabi ni hubby mag drinks muna kami sa may cafeteria para makigamit na rin sa toilet nila. Jusko, kahit
ano ka importante ang appointment na yon umuwi at iniwan ko talaga si hubby, di ko kaya ang maki gamit
ng ibang kubeta pag ako’y mag deposito, ewan! Kaya pag kami’y
nag bakasyon yan ang problema ko, kelangan may dala talaga akong *”Agiolax”*.
Feeling ko kase yong parang hindi komportabli pag hindi sa bahay namin at kelangan sanayin ko pa sarili ko.
Naalala ko yong bakasyon namin sa Switzerland, nalimutan ko yong [agiolax]. jusko, pag-uwi na namin
sa Luxembourg saka pa ako nag deposito sa banko de kubeta, buti at one week lang yong bakasyon namin.

Kaya sabi ni hubby, minsan lang daw ako umuthot subalit killer naman yong amoy hehehe..(hiya ako).
Nangyari kasi yon, pumunta kami ng Brussel (Belgium). Naku ha, parang sinadya ko na rin konti na maamoy
ni hubby yong othot ko,[umandar lang yong pagka naughty ko]. Shempre nasa loob ng sasakyan kaya yong amoy sa kanya lahat napunta
hehe… Aba nung naamoy na nya, doggy pa namin ang pinag bintangan, saka lang nya
nalaman na ako ang kriminal dahil sa lakas ng tawa ko haha.. di talaga namin malimutan yon dahil pinahinto talaga nya ang sasakyan
at inopen lahat ng windows, nag tawanan talaga kami hehe.. at sabay sabi ni hubby gaganti daw sya lols. Aba gumanti nga! Buti nalang
hindi sa sasakyan, pero sa loob ng kumot. kahit naidlip na ako nawala yong antok ko dahilan sa contaminated
na amoy hehe… shempre, lintik lang ang walang ganti! hehehe.,
Lahat naman tayo uuthot ah! anong hayop nga ang di umothot hehe.. cge kayo pag pinigilan nyo yan,
sasakit tyan nyo. Pag sa publik naman kakayanin ko ang sakit ng tyan hwag lang mapahiya hehe..

Yang pinixel ko na may water effect ituro ko senyo sa next post ko. Bigyan ko rin kayo ng program na ginagamit ko nyan as in super easy e download, binigay nga lang ‘to sakin kaya bibigyan ko rin kayo. Basta sa next update ko nalang ha, kase hahaba na ‘tong blah blah ko dito hehe
Tsaka sa lahat ng mga bagong nag register sa free hosting ko psensya kong wala kayong natanggap na approval, may balak kasi akong palitan yong domain. Napangitan kase ako sa pinayhosting.com, sori talaga.

  • 51 Comments
  • Filed under: Spring
  • Joyeux lundi mis amis…

    Happy Monday sa inyong lahat, muzta ang weekend nyo?!.
    Dito samin ok naman medyo maganda ang weather kaya gumala kami, hanggang umabot kami
    sa Neuerbug (Germany). Lumabas kami sa border ng Luxembourg sa kaka drive, yon lang
    nag aksaya ng gasolina. Na halos bawat linggo tumataas ang presyo ng gasolina dito, grabe mahal
    na ang mga bilihin ngayon. Nung nakaraang araw nag Bus ako dahil mahirap maghanap ng parking sa pupuntahan
    ko, sa 2 euro na binigay ko alam ko may sukli pa. Sinuklian ako ng 50 cents, nakatayo
    pa rin ako malapit sa driver at sabay singil ng 30 cents, hehe.. napahiya tuloy ako. Sagot ni mamang driver,
    *Ms. di mo ba alam 1,50 (one euro and 50 cents) na ang pamasahe*. Dati kase 1,20 (1 euro & 20 cents) hehehe…
    Napahiya ako sa araw na yon. Pag-uwi, pinagalitan ko si hubby, kase baket di nya sinabing
    tumaas din yong pamasahe ng Bus, aba! sumagot pa si mokong ng ganito, *di kana kase nanood ng
    news sa television dahil sa kaka blog mo,* hehe.. korek sya! hhmmmfft!

    Pero kahit tumaas ang presyo ng mga bilihin may dagdag din
    ang sahod sa mga empleyado. Maisip ko sa pinas, tumataas ang presyo, pero ang sahod ganun pa rin.
    Haay.. ang hirap pano nalang yong mga taong walang trabaho. Naisip ko tuloy yong napanood ko sa CNN,
    sa bandang Africa kinakain ng mga tao dun ay sinangag na termites because of
    drought, civil war, and despotism. Kahit ganun na nga sitwasyon nila nanganganak pa rin, kawawa yong
    mga bata. Minsan naisip ko, ang swerte ng aso ko beef steak at ham ang kinakain. Samantala yong
    mga biktima sa may Africa walang makain. Masakit isipin hano? baket hindi lahat pantay-pantay
    dito sa mundo? Life is not fair nga ba? Oo hwag nating e distingushed
    ang edukado sa hindi edukado. Parehas tayong lahat, nagugutom din. Then…
    Why God allows us to go through in times of suffering? I know, WE are
    totally dependence on God, sometimes we tend to forget to pray and God’s ability to answer it. Think!
    If we had all we wanted we would become independent and turn from a close relationship with our Father.
    Yeah, God created everything perfect and beautiful!!! Napahaba tuloy ang post ko lols.

    Tinanong nga pala sakin ni Clara kong ano daw ibig sabihin yang text sa header ko *La vie en rose* yan ay
    French expression dito., na ibig sabihin ay, *wonderful life or life is beautiful or happy life.*
    yan nga ang blog title ko, dahil happy ako ngayon sa life ko. Because of you Lord, thank you!!
    God Bless us all..
    Guys umpisan ko na ngayon ang naka tambak kong planchahin,. Martes ang klase ko kaya overtime ako ngayon, wish me luck sana di sasakit ang likod ko hehe…
    I hope all of you are doing well and hugs to all…CIAO mis amis!!!

  • 44 Comments
  • Filed under: Spring
  • Hello guys, maraming salamat sa sa mga comments nyo at greetings ng blog anni ko. Alam nyo na sino kayo, maraming salamat talaga!
    ngayon lang uli ako naka pag update, medyo busy ang buhay ko dito hehe.. lumabas kasi si haring
    araw at may dalang sunshine kaya pagkakataon naming magbabad sa preskong init.
    Rendez vous na kelangan ko ring siputin, kaya tuloy okupado ang oras ko.
    At ako’y naglilinis din, haay grabeh hindi ako nauubusan sa trabahong ‘to.
    Dami ko pa ring paplanchahin, pero bahala na si batman at ako’y magpahinga muna may masuot pa
    naman si hubby ko.

    Kaya eto inuna ko muna ang pag upload sa new layout ko, keysa pamamalancha! lol.
    Medyo matagal ko rin ‘tong pinag tyagaang pinixel si charmmy kitty, mga one week ata
    kase may klase din ako kaya hidi dire diretso. At sa wakas natapos ko sya!
    Nakaka duhling mag pixelling pero nakaka adik talaga.

    To my lurker friends, you know who you are,.Maraming salamat sa walang sawang pag bisita dito
    sa simpleng site ko. Lalo na kay Rachel L., sori kong nilagay ko dito pangalan mo, as in maraming salamat sa email mo. Sana soon mag online na ang bloggie mo. Good luck my friend!

    To Amanda and Sandra gaganda ng layout nyo, new domain kase diba? lol.
    tsaka tenk you sa giftie sweet Amanda!
    At kay Mmylei, wow! maraming salamat sa ginawa mong scrappin ang ganda, ang kyut ng doggy ko hehe.. maraming salamat talaga!

    At sa lahat nag request ng siggies tenk you!
    sana wala akong nalimutan senyo.

    To my online na inaanak hehe.. baby Maria,
    Happy Birthday my darling baby!

    Waving to everyone. Hope you are having a super TGIF and will have a safe and happy weekend.

  • 59 Comments
  • Filed under: Spring
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: