Soon summer na dito sa europa. Tiyak marami kayong mga flowers jan sa garden nyo.
May kunting tips din ako para di masayang yong mga bulaklak nyo hehe…
Nakuha ko ‘tong idea kay ate Cathy isang pinay na kaibigan ko dito sa Lux. Napaka hilig nya sa flowers
halos yong garden nya punong puno ng iba’t ibang klaseng bulaklak, halos matatabunan na nga yong
bahay nya sa mga bulaklak.
Ang ginawa nya dina dry nya yong mga flowers, at nasubukan ko na rin.
Halimbawa yong petals ng roses inilagay ko sa lumang libro, kagaya ng lumang phone book directory,
dun ko nilalagay. After one week talagang tuyo na yan.

Pagkatapos, kayo na bahala sa gusto nyong design. Ang ginawa ko, galing sa payo ni ate Cathy.
Kelangan white cartolina yong background, at shempre may glue na pandikit mo. At pagkatapos,
ilagay nyo sa frame. Ang ganda talaga napaka unique ng dating, tiyak naiiba yan sa lahat ng
frame dekorasyon nyo sa bahay. Nakaka attract talaga.
Eto pala yong sample na pini pressed kong rose petals. Kahit anong klaseng bulaklak na pedeng
e pressed, hala try nyo.
At eto rin yong mga gawa ni ate Cathy, diba ang gaganda - dinala nya ‘to sa bahay at pinktyuran namin.
Si doggy ko yong model baby pa si churchill nyan. Mahigit isang taon na kase ang pics na ‘to.

“Keep your feet on the ground and your thoughts at
lofty heights.” — Peace Pilgrim

Happy Monday everyone, at maraming salamat sa lahat ng dumadalaw dito sa simpleng site ko - labyo all!!