3 Jul

Minsan, bigla nalang akong umiiyak tuwing maalala ko yong mga magulang ko.
Lalo na sa buwan na ‘to death anniv ng mama ko. Minsan napaginipan ko sila na masayang pareho, at minsan naman panaginip ko ay yong mga alaala namin nung buhay pa sila.
Naitanong ko rin sa Dios minsan, baket ang aga nyang kinuha yong mga magulang ko?
Sobrang miss ko sila
pero sabi ng Dios
*”I determined the exact time of your birth and where you would live.”* Oo plano ng Dios ang lahat dahil pag-aari nya ang buhay nating lahat.
Nag eemote lang ako sobra. Feel ko kase para kaming mga biik na iniwan ng inahin, umiiyak
nag hahanap ng magulang.
Naalala ko yong mga panahon na masasaya kami at kompleto. Bago kami natutulog nun naglalaro muna kami sa sala,
si papa yong kalabaw sa mga kapatid kong lalaki at si mama naman yong kalabaw namin ng kapatid kong
babae tas nakasakay kami sa likod nila - kahit highschool na ako nun ganun pa rin yong laro namin tuwing gabi.
Kaya minsan, sa pag tulog namin lalo na ako.. panaginip ko tuloy na umihi sa kubeta yon pala
sa kama ko,. kakahiya man pero bebe pa rin ako nun ni mama.
Nung nag college na kami iba na yong nilalaro namin batuhan na ng mga pillows, palaging natatalo
ang mga boys. kami lagi ang panalo kase putot(pandak) si papa, giant kase si mama na panlaban namin. Haay..
ang sarap alalahanin, sana kong buhay pa sila ngayon - malalakas pa silang pareho 50 plus pa naman
kase yong edad nila. Sa ngayon nasa line of 2 pa yong mga edad namin,. tas yong
pinaka bunso namin ay 17 pa.
May mga aunties nga naman kami na pedeng gawin naming magulang, pero ang habol naman nila ay iba - mas
mabuti pa sa ibang tao. Sobrang miss ko yong mga kapatid ko, minsan ko lang sila makausap, dahil busy din sa trabaho nila.
Nagka hiwa-hiwalay man kaming lahat, hindi kami pinabayaan ng Dios.
dahil sa emote ko, dinaan ko nalang sa pag gawa ng layout.. busy kase si hubby nung weekend di kami naka gala . Maya na ako bibisita senyo dahil may appointment ‘tong doggy ko sa vet nya. Lab ko kayong lahat.
43 Responses for "Minsan, nag eemote…"
Using
awww.. its okay to cry. Ako lucky ako I still have my ‘rents and they are still doing great. dont worry ate. May Diyos. Alam niya ginagawa nya. :) *hugs*
Using
aaawww…ate..okay lang mag emote…ako mahilig ako mag emote…but not about the same thing…cheer up ate..everything happens for a reason right?
God Bless!
tc!
*hugs*
Using
nga pala love the layout!
galing mo talaga mag pixel ate!
Using
sige lang Maam, you have your husband man nga palangga kaau ka… lahi ra ang parents pero at least naa gihapon mualaga nimo… thats what i fear most, losing my parents especially my mother…
o sya sige, pasaylua ug dako nga dili ko magbilin ug link diri hehe.. nakabasa ko sa imong message sa kang carlots! unshain, shy man gud ko, dili kaau ko tigbutang ug link :) apan, exemption kani nga entry kay butangan nako! lol!
Using
Nako ate kanina.. ampf! humirit na naman ung girl. Let just call her “BIDA”. Eun.. Kanina kasi ate nagbigay ng opinion ung isa naming classm8 na girl about sa certain topic na pinaguusapan sa class discussion, tpos alam mo ba ate pinaringgan nya ung classmate namin ,, sabi ni “BIDA”: “What a nonsense opinion!!”. Di ba ate OPINION ng tao un… kaya dapat nyang galangin. Kasi pag siya (BIDA) ung nagbibigay ng opinion nia ginagalang naman namin siya. Poof! Bad girl tlg.
Anyway.. ang cute ng new layout mo ate.. pati ung mga content ng sidebar u. Hehehe :D
Using
hello, ate narin po tawag ko ha.. ^^. ayun, ate..*hugs,..ok lang yan. Ako din minsan ng-eemote, lalo na pag sobrang inis kona, like now! naiinis ako kaya dinadaan ko nalang sa iyak.. *haii’s,, un…
aniways onga te ang cute ng new lay out mo, ang galing mo sa pixel. Ako mejo nag-aaral pa jan e. Baka sa summer nalang. Kasi mejo busy pa ako ngayun e.. muahs
Using
Regarding to your question on my blog ate. Yes, I have. If you have YM I will send it there
Using
pa hug nga ako sayo ate *huggs* ako naman naiiyak ako when im alone pag wala pa sa bahay c hunnie twing naalala ko grandparents ko. theyre still alive kaya lang nasa pinas. doon kasi ako lumaki sa kanila since baby pa ako and i only get to see them pag uuwi ako. feeling ko nga di ko makakaya pag kinuha na sila ni lord. grabe yoko muna isipin toh .. anyway ang cute cute ng bagong layout mo:) galeng talaga! Miss u na!
Using
Pasalamat sya ate ginagalang namin sya kahit ganun sya. Eun.. another thing is she wants a position in the class officers. Ganito kasi yan ate.. Nagelection kami for class officers kanina para may representative kami para sa mga Meeting ng organization sa school. Then nung naging Vice.Pres sya bigla nyang kinausap ung Pres. namin which is actually tinatarayan nya non. Then nagusap sila for the meantime.. break/recess namin nun.. Then after nila magusap .. pumunta ung Pres namin which is actually our barkada dun sa tambayan namin.. Then kinuwento nya ung pinagusapan nila.. Lam mo ba ate.. BIDA really wants that position (to be the PRESIDENT) sabi ng Pres. namin.. Kasi daw mas mrami syang alam regarding sa mga activities.. For me ate.. wala naman problema kung sya(BIDA) ung magiging president namin.. kaya lang dapat bigyan nya ng pagkakataon ung President namin ngayon to prove to everybody na worth ung pagvote nila for her. Parang to let her have the chance to be a President too. Eun.. tsaka hindi naman mbba ung position nya na Vice.Pres… ayaw lang kasi nya siguro na nauutusan or nabibigyan ng direction/order or whatever.. Haaay. uber-sama!
Using
holla ate! kamuzztamos! wow loving the layout! charmmy kitty! haha! cge po ingatz take care muah!
Using
hi maki ate naren ako.. +hugss+ im so soorry to hear that…may plan si God para sainyo kaya nangyari yung mga yun..and sigurado ako nasa heaven sila and theyre watching you//+hugss+
Using
u r ryt manay, GOD has the blueprint of our lives tska we just borrowed it from HIM so we can’t really tell when and how we will leave this world. but i guess the only consolation that we have when our loved ones leave us is that we can still keep them alive in our MEMORIES, ryt?
btw, manay ka-cute sa imong naw lay-out. very colorful! :wink: mao ata ni akong pinaka fave sa imong mga nahimong LOs. :smile:
Using
ah akala ko ako na namiss mo… mga magulang mo pala…. c’est la vie sanplawer…
nakakamiss talagang maging baby… ang buhay sa mundo ay paulit-ulit lang.. parang stage play…
cheer up and down hehehehe
Using
aww. okay lang yan, ako lagi ako nageemote dito sa bahay. haha…
cheer up! :) ganyan lang tlga… may mga maalala tayong mga masasayang bagay na sana mabalik nten..
ingatz! :) mwaaaah!
Using
awwe.. nagkatime din ako ng kaonte busy na s chool ehh..
uhmmmn dont be sad sissi’ i know na masaya na sila sa kinalalagyan nila ngaun and anjan na man si hubby mo para icomfort ka diba and im here too hihi….
kaya ako i try my very best ngaun na alagaan ang parents ko hangat nakakasama ko pa sila .. i dont wanna regret pag di ko na sila mahawakan… awwe naiiyak ako….
Using
ate pwede ko po ba malaman yung email niyo kung pwede lang po.. e ate delikado po site ko alam na po ng both parents ko na mron na ko blog nakakatakot kakalikutin nila yun tapos mabubulgar sikreto ko pde ko po ba ipaiba na lang sa naghost sakin ung name ko?
Using
sorry to hear that, pero kung ako din sa lagay mo palagay ko ganyan din magiging reaction ko. sa kabilang banda lahat naman talaga tayo darating sa time na pupunta sa kabilang buhay kaya siguro kailangan lang talaga natin acceptance and trust sa Lord na in control siya sa lahat ng mga nangyayari.
Using
hi there! sobrang miss ko na ikaw! :D
palagi kasi may gumagamit ng PC kaya madalang na ko makapag blog hop..
nway, love you! ingatz lagi ha…
Using
yey! kahit papanu napasmile ka dun sa kaekekan kong post…=] bkt walang kfc jan sa luxembourg?? oo nga tama ka sa favourite nila ang init,,ewan ko ba sa mga yan..gusto yatang malechon…di ba?? oo nga neigbhor..ayan neigbhor nalang tawag ko sau..wehehehe..:P
naku okei lang yun..cge ba..yey ganda naman..link din kita mamaya…ngaun papunta na ulit ako sa work nyan…sheckz! sana wala yung manager ko..magiging plastic na naman…sheezz! hehehe..
ingatzz lage..mwaazz!!!
Using
Awww. Nakaka-touch ng sobra. :oops: Prang nakaka konsensya pag inaaway ko nanay ko or tatay ko. Paano kaya ako pag wala na sila? Pft. Hay, sana okey lang naman po pag naiisip mo yung mga happy memories. :D wuhooo.. ilabbyuu..
Using
oh ‘te wag ka nang magemote2x dyan, dito na ko…hehehe! Anyway, nag update na ko sa bahay ko… thanks for always passing…. Mwuah! miz u.
Using
homesick na naman ang lola?
ok lang yan, mya araw na mas matindi
ang feeling na ganyan … buti nga nailalabas!
don’t worry, be happy sabi nga kc
masaya na sila doon :wink:
Using
Hi Ethel, talagang ganyan when we remember yung mga loved ones natin, natural lang yan. Sana oks ka na diyan, I know patatawanin ka naman ni JG di ba? Thanks nga pala sa 4th of July greetings, ikaw lang ata ang taga Europa na may gusto sa president namin. LOL
Using
HI Thel wala na diay ang imong mga ginikanan?
hwug kang mag-alala nandoon yon sa kaharian ng Diyos, at masaya sila ngayon dahil kasama nila ang Panginoon…..at hindi tayo pababayaan ng Diyos dito… at nandiyan siya lagi kasama natin sa atin puso….. ako rin wala na rin ako papa maliit pa ko 7 taon pa lang … pero hindi ako pinababayaan ng Diyos….
Nandyan ang love mo ….. Oo tama ka minsan ma miss mo lahat, dahil malayo tayo sa atin pamilya….at kung malapit lang tayo siguro ….. gihalokan ka na nako ginapilit…. para mawala ang imong miss sa pamilya mo… sayang layo man ta
Using
wow ethel very lovely place “wink” as lovely like the owner.
t.c. muah
Using
hmmm,may time talaga na bigla na lang natin maiisip ang mahal natin sa buhay…
at pag dumating yan,say “i love you” to someone or something na lang..
baka type mo kong dalawin?hehe kase nabuhay ako ngayon,nagpahinga sa blog nang ilang araw din.
Using
ooopppssss….*hugs* for you sis! di kayo iniwan ng mama mo sis…andiyan parin siya nagbabantay sa inyo kaya wag ka ng malungkot kasi malulungkot din mama mo…
have a nice day!
Using
madame Ethel- ok lang ingon ana jud ta labi mahinumduman nato ang mga happy days. naa na siya maayong kamot.
tapulan naman ko karon sis oi unsa-on sa kabusy na lazy sab…doesn’t make any sense. hehehe. sensya po.
ayo ayo kanunay madame hugs & kisses.
Using
Awww… *HUGS* for you, my sis. Ingat! Take it easy. *mwah*
Using
nakakaiyak naman entry mo ate..ako rin namimiss ko ang lolo ko [namatay na sya] kasi sa kanila ako lumaki eh dahil namatay ng maaga real dad ko tas mom ko lagi nagttrabaho tas matagal din sya sa hongkong..namimiss ko rin lola ko kasi nasa pinas sya..
anyway, yea minsan naiisip natin na sana maibabalilk natin ang panahon or sana ndi nangyare ang mga ndi magandang nangyare sa buhay natin..pero kahit na naranasan natin ang malulungkot na pangyayare eh tinuturo pa rin satin ni Lord na magtiwala sa knya at isipin lagi ang mga blessings nya at magpasalamat..blessings katulad ng mga taong nagmamahal satin ng patuloy, mga maliliit na bagay na nagpapasaya satin araw araw pati na rin yun mga kailangan natin na palaging prinoprovide ni Lord..minsan kasi halimbawa yun iba namatayan ng relative na super mahal nila tas para sa kanila eh parang end of the world na..hindi nag-iisip ng positive at nun mga ibang bagay na bigay ng Diyos sa knya..haaay..
para sayo ate, kahit wala na ang magulang mo andyan naman ang iyong hubby at dog at mother-in-law na super love ka..pati na rin ang mga kapatid mo kahit malayo kayo sa isa’t isa..iba man sila sa magulang mo pero love ka rin nila diba? :)
God bless ate :D
Using
lab u too ate ethel!
wahhh, pinaalala mo rin tatay ko eh! eto nga nagluluka-lukahan nalang ako para di ko na maisip si ama! hay ate, ang hirap magkunwaring ok ang lahat pero alam ko dinidinig din naman ng diyos ang mga dalangin ko!
teka, tapos na TAG ko, asan na MGA siggies ko… nyahahaha!
Using
ganon tlga ata un ate, ako din kadalsan ko mgemote pg nagddrive ako mgisa, from office to home, kse sympre ibang problema na nmn ang haharapin..hayyy life!
mahrap nga mgtiwala khet kamag-anak mo pa, sa mundong to..ewan ko kun ano nangyayre..:cry:
Using
Omg alam mo ang greatest fear ko tlga ay mawala ang magulang ko .. pero gaya ng sinabi mo “I determined the exact time of your birth and where you would live.? Oo plano ng Dios ang lahat dahil pag-aari nya ang buhay nating lahat” pag aari nga nya ang buhay natin so i guess he has the rights to take them away right ? its ok to miss your parents of course who wouldnt dba ? nyeehhe .. sometimes i think to myself .. what would i do without my parents gRRr na stress na nga ako kaiisip ehh kaya i cherish evry time i have with them .. =)) .. ako pag nag emote ang ginagawa ko nag lu -luto ako bwehehe or kaya nag o - online i can never express my true feelings anyone though , koz i feel foolish sumtimess behehe =)) .. anywayzz buhbuhaiiz mwauhxx xox `x3fayeeeeeee :smile:
Using
btw love ko layout mo teeeheee super cutee :D
Using
Nakakalungkot naman kwneto mo nang ethel, lalo sa mga tulad nating nasa malayo.
Using
Ang sad nman nitong intro mo Ate Ethel!! Hugs na lng kita!! :smile: well anyway nice nman nitong layout mo dito ate, colorful, ang ganda ng color combination love it :) galing tlga!! The bes!! hehehe miss you ate!! oo nga pla new layout din ako hahaha
Using
Wag ka na malungkot Ate lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyari. Ang importante nung andito pa sila e maraming magagandang memories kayo, kung nasaan man sila masaya at panatag ang loob nila. Mahirap talaga kung malayo kasi ganyan din yung Tatay ko pero kinakailangan kasi para din sa ikagaganda ng buhay. Swerte ka kasi andyan si Hubby mo tska andito KAMI para na din tayong magkakamag-anak online tma po b?! Cheer up Ate
Using
neighbour..hehehe..nalink naren kita..musta??:)
Using
sanplawer… pumunit ako ng kunting pink color sa bahay mo mo huh…. ginawa ko lang lobo…. salamat heheh
Using
seryoso to.. walang tawanan huh.. atin atin lang… ganito po angsimula ang alamat ni baldo..
taong 2002 unang salta d2 sa ksa… dahil sa maiinit ang tulo ng tubig… nararamdaman ko na nalalagas ang hibla sa ulo ko… sa english ay bald… para di halata dinagdagan ko ng big “O”… dun nagsimula hanggang sa lahat ng chatmates ko nun kilala ako sa pangalang baldo…
maliwanag ba huh ha huh1 may tanong pa ba? seryoso ako..ayawkong mabasa na tumatawa ka huh ha! grrrrrr
Using
ayyy, wag ka nang malungkot. pero ok lang talaga na umiyak ka, pero isipin mo nalang na mabait parin ang Diyos dahil hindi nya kayo napabayaan. diba? bata pa pala nawala parents mo noh?
sabi nga ng isang friend ko (galing nga ng timing, kanina ko lang nabasa sinabi nya) na kapag naaalala mo pa ang iyong nakaraan, it just makes you grateful that you’re still living. kaya smile na :)
ako rin ganyan, pagnade-depress, naglalaro ako sa photoshop. hehe.
Using
elo sanplawer, anong date ung sinasabi mo na post? hmmm wala naman eh
Using
Hi Ethel, better late than never, lol. Alam mo naman naging busy din ako dahil sa bakasyon, madaming dapat gawin before and after the vacation.
Anyway, I can only symphatize with you. Alam mo I dread losing a loved one, lalo na ang parents ko dahil sobrang close ako sa kanila since I’m the youngest, so I’m sure how hard it would be for you everytime you remember them, tapos malayo ka pa sa mga kapatid mo. Luckily you have a very loving hubby who can fill up the void in you di ba? So just cheer up and just savor the good memories, I’m sure they’re looking after you in heaven.
Leave a reply