Nung sabado umpisa ng Le Tour De France, ang pinag kaabalahan ni hubby ngayon, kulang nalang e glue yong mata nya sa tv. Dati nung wala pa
syang pinag kaabalahan na AKO one of the cyclist din sya dito sa Luxembourg.
Pero yong powers nya ay di pede sa Tour De France ika nga pang national
lang yong powers nya. Di kaya ang pang international powers. Kahit pang national lang sya, maraming awards
din syang natatanggap nung panahon ni kopong-kopong pa yon ha, shempre proud ang lolo. Kinilig naman ang lola.

Kahapon, nag half day sa work nya - you know why? dahil sa Tour De France.
The sixth time in its history, the world’s most famous cycle race returns to Luxembourg last Monday.
Kaya ayon nanood kami live, naks jumping jumping wid matching clapping din ang lolah nyo. Kaya lang namimili pa ako
ng peborit racer. wala na kase yong
Lance Armstrong ko, inagaw ni Sheryl Crow! hehe.. yeah, my favorite ever,. I’m really amazed the power of
the legendary Lance Armstrong of his successive victory, after he had operated and was declared…cancer free!

And yesterday at around noon, riders set off from diff. places here in Luxembourg before crossing
into Belgium, then nag end sa Holland tapos balik sa France. Aside, Luxembourg’s sole representative on this year’s tour ay si Frank Schleck, [peborit ko na rin] who under for the CSS team
and he’s hoping to help Italian representative [Ivan Basso] against
Germany [Jan Ulrich] ang paborito ng bayan to take Armstrong’s title. Nailabas ang issue ng doping na
disqualified ang dalawang paborito ng bayan. Haay, naku normal yata sa laro ang may dayaan ng powers.

Tas sabi ni hubby sasali daw sya uli ngayong September
competition dito sa Luxembourg, let see! Pero sabi ko, kaya mo pa kaya yong 200 km
haha..kahit mag doping kapa, no chance pa rin. Aba! ni look down ko raw sya. Haay naku
hwag na! baka sya pa yong first to the last! kulang sa training
e pano palaging busy sa lola nyo.

Kahapon 3 yong na injured, argh! kawawa talaga - sayang yong effort nila. Tas yong nauna sa finish line taga Germany,. . pero im soo sad naman dahil talo ang Germany vs. Italy sa football. super ingay ng mga italyano dito, sarap ngang bazookahin. Tas mamayang gabi Portugal vs. France, yokong manood, ako’y takot baka manalo ang Portugal, talagang ma bazooka ko na sila. Eto pala yong ibang kuha ni hubby kahapon 1,    2,    3 (Le Tour De France).

nawala na yong emote ko, na busy kase sa passport ni doggy churchill andaming ka ek ekan ng veterenaire nya para sa bakasyon namin, di kase pedeng maiwan sama kahit saan.