Eto na yong pramis ko kay mommy Ann na ipopost ko.
Naalala ko kase yong tungkol sa post nya na before and after sa tatlong kyut na mga apo ko nyaaahhh.

Habang nagscan ako ng pic ni hubby, natanong nya aanhin ko raw. sagot ko naman, mag post ako ng
before and after mo. Hahaha..natawa na rin sya, talagang naughty daw ako.
Pero dugtong naman nya nakakahiya man pero noon pa yon. So fasten your ass guys,
uumpisan ko na ang kwento.

Eto yong pic ni hubby ko nung bebe pa sya, halos lahat ng pics nya nung bebe sya, as in tabaching ching talaga. Minsan
kapag ala akong magawa nag hahalungkat ng mga album nya
nakakatuwa kase yong album ng hubby ko lalo na yong bebe pa sya. Parang journal, sinusulatan
ng mommy nya, kelan sya nag umpisang nagsalita, anong word, anong oras at iba pa. Hangang hanga talaga ako
sa mom inlaw ko, pati unang gupit na buhok ni hubby nakikita ko pa. Kapag nagka bebe na rin ako
gagayahin ko ang style ng mom inlaw ko hehe..

At kapag nag iipon kaming lahat (pamilya ni hubby), lalo na pag Christmas walang ibang pag usapan
kundi yong mga kwentong kabataan nila, pati kabataan ng mom at dad *inlaws ko* na e share din nila samin. Mukhang di sila nauubusan sa ganung klaseng kwento hehe..
at ako naman labas ngala ngala ko sa kakatawa.

Nung bebe pa si hubby walang problema sa pagkain kahit ano basta makain lang daw kinakain hehe…
ang resulta sobrang tabaching naman. Kaya ginawa ang lahat ng powers ng mommy nya para ma kontrol
lang sya sa pagkain. Kahit kinokontrol daw sya ng mommy nya, tuwing kainan na
tinatabihan daw nya yong sis nya at kausapin ng ganito,
[*kapag di mo maubos yang pagkain mo sakin mo ibigay ha!*] haha.. ganun daw sya. kase nga daw, kahit gusto pa nyang
kumain di na sya binibigyan ng mommy nya, kontrol nga! Subalit ang lahat ng pagsisikap ng mommy nya
walang resulta. Eh, pano palagi naman daw syang may
chocolates at kahit anong laman ng ref. kapag tulog na ang lahat kumakain sya, at shempre sa
kwarto nya. Dun sha kumakain. haha… may pagka pilyo din. Eto yong pic nya sa taong kinokontrol sya ng kanyang
mommy. Tabaching pa rin!

Hanggang sa nag higschool si hubby tuluyang di na sya na
kontrol sa pagkain, dahil sa panahong yon natuto na rin syang magluto para sa sarili nya. Kahit anong
payo ng mommy nya labas tenga lang sa kanya, basta gusto nyang kumain walang makapag pigil talagang
kakain sya.

Eto yong pic nya sa edad na labing limang taong gulang, sa concert nila mga kasama nya ay matatanda na. At sya lang yong
bata, kahit mataba man sya may talent pa rin sa pag ttrumpet. Shempre naitanong ko rin sa kanya,
kung ano yong feeling bilang isang mataba, sagot naman ni hubby,
bilang mataba ay madaling mapagod, mabagal kumilos, at higit sa lahat walang syota!
hahaha…

At age 16 years old si hubby, umabot sya sa timbang na 280 lbs. Yes, its true!
Gusto nyong malaman pano sya naging slim, at ano yong technique? Aw, meron nga bang technique! abangan ang susunod na kabanata.
Pasensya na kung may karugtong pa ang post na ‘to. Aaminin ko uli senyo, ako’y isang taong
tamad bumasa sa mahahabang post hehehe…Kaya di rin ako nag popost ng sobrang haba.
Labyo all…

Ang malamig na desyerto sa gitnang silangan
nawa’y pag initin ang puso nila ng pagmamahalan.
Na sana’y isang samahan nating lahat, kailanman’y di mahahadlangan
na maitatag ang paghahari ng kabutihan sa mundo ng digmaan.
-lollipop-