Eto na yong karugtong hehe…
Yup! 16 years old si hubby naging dambuhala sya, na imagine nyo 280 lbs. ngeek! kakatakot diba?
Talagang di rin ako maka paniwala sa ganung edad sobrang tabaching sya.
Well, di ko na pahabain ang kwento. Kelangan may ending na.
Sobrang hirap daw kapag sobrang lusog, kaya bigla nalang daw pumasok sa isipan nya
na mag papayat. Paano sa ganun timbang nya! ganito daw;
Binawasan nya yong pagkain nya, bali kontrol talaga at higit sa lahat disiplina sa sarili. Kumbaga
hindi yong,

“ah, kakain muna ako ng marami ngayon mamaya di ako kakain.”

Tiniis daw nya ang lahat.
Palagi daw syang gutom, pero kelangan kunti lang talaga ang dapat nyang kainin.
At shempre, para maging normal ang digestion nya dahil kunti nga lang yong kinakain, eto ang kanyang
katapat, umiinom sya ng herbal tea, bali eto daw yong lumilinis sa katawan at para hindi babaho ang iyong
hininga.

Never.. daw syang nag dadiet pill takot sa side effects.
Habang kinokontrol nya yong sarili nya sa pagkain, kelangan papawisan din
sya, ang ginawa daw nya ay *walking*, yon lang naman ang kaya nyang gawin na exercise. Eh, shempre
para di maging leeg ng baka yong skin nya.
Sa loob ng siyam (9) na buwan ng kanyang pag kokontrol sa pagkain at exercise nag bawas yong timbang nya ng
70 kilos. At eto rin yong kumbaga inspirasyon nya sa pag dadiet. Nagbabasa about health and sports.

17 years old si hubby, dun natapos yong pag dadiet nya.
Pumayat si hubby, maraming nagulat at di naka kilala sa kanya.
At marami ding nag tatanong pano nya nagawa, simpleng sagot lang daw,

“kontrol sa pag kain, exercise at desiplina sa sarili”.

Habang kinikwento ni hubby yong panahon na yon
talagang na imagine ko yong sakripisyo ng pag papayat nya.
At shempre proud na proud yong mga magulang nya.

Sa pamamagitan ng
sports lalo syang nag slim. Sumasali din sya ng bike race dito sa Luxemourg, and he said he’s not so strong like Lance Armstrong, kaya ganito lang yong natatanggap nyang awards.
Walang ibang inaatupag nya dati kundi school, sports at music.

At shempre, ako pa! natanong ko rin about sa love life nya, hehe…maniwala kaya kayo sa sagot nya na,
wala daw syang syota kahit tanungin mo si mommy, haha… sa panahong yon busy daw sya. Alam nyo ba,
hanggang ngayon kapag umandar ‘tong ka kulitan ko ganito yong mga tanong ko palagi, anong
pangalan ng dati mong syota, taga saan, maganda ba. Hehehe.. wala lang gusto ko lang mangulit.
Eh, kahit bazookahin ko pa ata ‘to alang maisagot eh.

Basta, salamat nalang daw sa internet dahil dito daw sya natutong umibig at magmahal. kahit
knorr soup lang daw ang alam kong lutuin para sa kanya, masaya na sya. Haha.. nag drama pa si mokong.
At least nakilala ko syang payat na sya, di ko ma imagine na tabaching sya. Talagang di ko sya asawahin. hehe…
Sa ngayon kapag winter tumataba sya ng kunti at tuwing summer naman ganito sya at eto ngayon, bali yan ang gusto kung weight nya yoko naman sa sobrang payat.

Happy weekend guys! Labyo all…