Archive for July, 2006

The new king of the road


Happy Monday guys!
Congrats sa mga americans, Floyd Landis won the Tour de France (The new king of the road).
Yay! may bago na naman akong peborit, pinalitan ko na si Lance Armstrong.

Hindi kami gumala nung sabado at linggo kase nga inaabangan ni hubby yong Tour De France.

Sarap sana mag picnic nung weekend, e di pede alangan dalhin yong tv - si hubby pa naka glue yong mata.
Ayon nag grilled nalang kami sa garden, para lang naman
saming tatlo, kay hubby ako at doggy.

Habang binabaligtad ni hubby yong karne, may kalaro naman si doggy kapitbahay namin na bebe.
Natawa kami sa bebe kase binigay yong magandang bola nya kay churchill, tas pagbalik sira binutas ng doggy
e di umiyak yong bebe nagtawanan nalang kami.

At eto kainan na, shempre ppwesto din tong si doggy sa upuan nya
Kapag grilled meat di na yan nag papasubo kain agad, basta ilagay mo lang sa plato nya.
Napaka swerte nga nitong doggy ko, di mo naman mautusan hehe… mabait naman si hubby kaya silang dalawa taga ligpit.
Joke, taga observe lang si churhill. Ganito kase yong doggy namin, di mo sya pedeng itabi sa sulok nakasunod
yan palagi, pwera sa silid tulugan namin, alam nya na bawal sya dun.
Tas kapag sabihin mong “shower”
diretso yan sa bath tub, alam nya eh. Sa ngayon la pa kaming bebe kaya si churchill muna binibebe ko.

Pasensya na kayo walang kwenta ‘tong post ko.

  • 32 Comments
  • Filed under: Summer
  • possitive & negative attitude


    Sabi nila ang taong walang problema abnormal daw yon.
    Tayong lahat ay may iba-ibang problema. Kahit pa masaya ang iyong karanasan may pagkakataon sa ating buhay na… sa madaling salita malungkot ka.
    Yong iba naman sadyang idamay ang kanilang problema sa kapahamakan.

    Nung nakaraang linggo, may isang train na sumabog, shempre akala ng lahat
    pinasok ng terrorista ang mapayang lugar ng mga Luxembourger.
    Maraming sugatan at agaw buhay sa hospital.
    Baket? sinong may kagagawan? Nagawa ng isang tao na ipahamak ang iba, nang dahilan sa kanyang problema…
    ngunit humahantong rin sa pagdurusa.
    Sinindihan ang train kung saan maraming pasaherong nakasakay.

    Nahuli naman ang salarin. Sa hukuman isinalaysay nya ang kanyang intensyon.
    Isang asian(chinese) na bankrupt ang negosyong restaurant. Malaki ang utang na kanyang babayaran.
    Naisip nya, ang solusyon ng kanyang problema ay posibleng sa bilangguan lamang.

    Tsk. tsk! pano na ang kanyang pamilya at mga anak? Isa siyang duwag!
    at makasarili. Dahil tinalikuran nya at iniwan ang lahat sa kanyang pamilya.

    Pero naniniwala ba kayo sa *”nothing is impossible”* hhmm…impossible itself, says im’possible.
    So, if you try without quitting you can do difficult things. We should strong enough to face up
    and down, then we can definitely make *impossible as Im possible.*

    How can, on the other hand, if we understand the world matter… pano nga naman
    gawing bilog ang isang parisukat, posible nga ba? obyos ba na walang ibang mai post si lola?
    labyo all and happy weekend!!!

  • 38 Comments
  • Filed under: Summer
  • ano sayo spaghetti o cheese?


    Kunting kwento nung bakasyon namin. Diba champion ang Italy sa WM football.
    Shempre nanood kami dun- sa tv, maaga kaming umuwi galing sa lakwatcha. Habang pina nood namin ang laro
    sabi ni hubby pag Italy manalo spaghetti yong kakainin namin buong araw. Wow, naman si hubby.
    Kapag France naman, yong special cheese nila. Sagot ko naman, yes, yas, yo..! game na.

    Yong peborit ko ay France ganun din si hubby, kaya patas.

    Nung na out si Zidane (famous football player in europe) medyo nawala yong pag-asa ko na manalo ang
    France team. Eh, yoko pa naman sa pasta, buti kong kagaya ng spaghetti sa jollibee sa pinas
    kahit buong linggo yakang yaka.

    Di ko na pahabain ang kwento. …
    Talo ang France. At syempre yong mga fans nag taka, isa na ako nun. Gustong malaman bakit sinaktan ni Zidane yong
    italyanong sarap gawing bola at e goal. Ayon, sabay subo ng spaghetti nagmamaktol. Sa mga Italy fans, peace on earth!

    Nang mailabas sa newspaper ang dahilan, maswerte yong italyano sa dibdib lang sya tinamaan ni Zidane , kung
    ako nun itlog-gin ko yon - at e goal siguradong double points pa. Ikaw naman kaya ang pagsabihan nang ganito; “ang iyong ina ay isang arabong p*ta”…

    It was really insulting and hurting to zidane, buti kong dalawang beses ka lang pinaringgan, mapatawad mo pa.
    Eh tatlong beses. Argh! ang epal nung italyano, plano pala nila na e out si Zidane. Ang saya
    saya nila dahil panalo sila pero sa tingin ko walang konsensya ang mga yon.

    For me those italians didn’t win because they’re better,they only won on penalties. Kakainis!
    Hoy,
    fans ka lang ethel, ano ba!

    Pag bigyan nyo na si lola inilabas lang nya ang kanyang naramdaman. Sabagay patas naman kami ni hubby
    na spaghetti yong kinain buong araw. Siguro kong inilabas agad sa publik yong dahilan, talagang
    di ako kakain ng spaghetti. Baguette na may palaman na cheese, ham at kamates - naks yummy pa.
    Argh! yokong kumain uli ng spaghetti. Sa pinas lang ako kakain ng spaghett, masarap pa dun!

    Konklusyon: Kung ako si Zidane di ko gawin yon sa publik . Pagkatapos ng game, yong walang camera
    saka ko e knock down yong italyano itlog-gin ko talaga. hehe..
    Anyway, nag sori naman sya sa publik lalo na sa mga kabataan, sa dahilang nagawa nya yon. Sa mga lalaki tiyak ang hirap yatang pigilan ang sarili sa ganung insulto.

    Tama na nga ‘to.
    manood nalang ako sa Le tour de France, baka manalo uli si Frank Schleck.

    May bago nga pala akong update sa goodies page ko, kao-international paki view baka may magustuhan kayo.
    Sa may i love my pet din may update ako mix mix na pics ng doggy ko.
    Labyo all, maya na ako bibisita senyo manood muna ako ng Tour De France!

    Thanks doll for the lovely gift.

  • 33 Comments
  • Filed under: Summer
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: