17 Jul

Halo guys! Im back from vacation. Had a great time in Monaco. Kahapon lang kami dumatig dito sa Lux.
Ay lab Monaco graveeh!
Ang ganda talaga mag bakasyon dun. Sa lahat nang lugar na napuntahan ko dito
sa europa Monaco yong piinaka friendly sa lahat, napaka liit na bansa sulit naman sa ganda. Tsaka napakaraming tourist talaga grabe.
Napag masdan ko rin dun sobrang mahal,
oks lang pag swertehin sa casino. lols
Bitbit ko nga laptop ko, pero pag nasa vacation kana tila naiiba yong pag iisip mo. Kelangan mo
talagang mag enjoy, tama si hubby - kasi bago kami umalis nun sabi nya itabi ko raw muna
ang pag babalog, kelangan e enjoy ko daw ang bakasyon namin. Kaya di talaga ako naka hirit sa pag
bablog dun. Palagi kaming gumala tas gabi na kami umuuwi, pagdating sa tinuluyan namin tulog agad. Nakakapagod dahil sobrang init
din dun graveh nakaka sunog sa balat.
Kadalasan nga sa car na ako nag uupload ng mga pics kapag puno na ang digi cam ko, kasi nga pag gising
sa umaga after breakfast alis agad nag lilibot, super enjoy kaso lang pagbalik sa hotel sobrang pagod talaga.. Manghihina talaga yong katawan mo dahil sa sobrang init dun.
Tas di naman
pedeng maka pag blog sa car kahit wireless nga laptop ko - e depende naman sa location at distansya
na pede akong maka pag access sa internet. Sana nga may makapag imbento na sa (hi tech) na kahit
saan pedeng maka pag blog anoh?, siguro kapag darating yan kahit nag dadrive o kaya sa tuktok ng bundok mag bablog pa rin
ako, adik eh! hehe.
Nakapag internet lang ako isang beses kasi tsinek ko lang mga emails ko tas
ayon nag reklamo agad si hubby. Haay talaga kaya nag bouncing lahat ng mga mails ko. At senyong lahat
pasensya na talaga kong di ko kayo na bisita last week, ngayon babawi ako pramis at maraming salamat
sa lahat na dumalaw sa site ko.
Sa next post na naman ang ibang kwento medyo pahinga muna ako..
share ko na rin ang ibang pics namin. CLICK HERE…
To those who applied for my pink sistah, Thanks a lot! And im sorry for the delayed response.
7 Jul

Isang kwentong kathang isip mula sa tahanan ng isang Dyosa na pinasapasa hanggang
matagpuan ang palasyo ng *isang Sheik ng Saudi Arabia, si fafi KD na inaanak ko
at naging apo ko na rin yong tatlong kyut na mga anak nila ni mommy Ann.
Jusko, la pa nga akong anak nagka apo na!*
Mechanics:
1. Nagsulat si Dyosa ng isang kwento, galing sa fairyland nya at umikot ikot na parang
*gulong ng palad ang kwento, Hanggang umabot dito sa Luxembourg at inatasan
ang isang lola na itutuloy ang nobela.*
2. itutuloy ko at kailangang hindi isulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.
*Bago ko umpisan ang aking pinaghirapan, honey yong pawis ko noh! patalastas muna; Ang napili ko na mag
tutuloy sa napaka ikling nobela ko walang iba ay si Baldo. Tandaan mo Baldo, pag inayawan mo
ang misyong’to, ibubunyag ko ang lihim at alamat ng pangalan mong Baldo. At ang maging bantay
si neighbor ko dahil ako’y mag babakasyon muna, tandaan mo Baldo namumukpok yon ng chicken joy sa batok.
anoh neighbor?*
Ang katapusan ay sa ika sampung(10)tag..ano kaya ang magiging wakas??
Ok,katuwaan lang… at sana nga ay matuwa kayo….
Ang karugtong,.. kabanata 6
Hwag..hwag..maawa ka! parang awa mo na, pano na mga apo ko di ko pa sila nakikita.
patuloy ang nag makaawang Gabriela,. ngunit walang awa yong higanteng dila na halos
basang basa ang buong mukha ni Gabriela ng laway.
Hanggang sa naging kumonoy ang laway na
malagkit pa sa honey. Hwaaaaggg…!
Panaginip lang pala!
Maraming salamat Churchill, ikaw pala! Ano ddyinggel kaba?
wika ni gabriela sa aso nya.
At kumahol ng ilang beses yong aso na ibig sabihin, oo dalian mo, natatae na ako.
Pagtayo ni Gabriela mula sa kama, uy.. pasado alas dose na pala.
Ayaw pa nyang kumawala sa higpit ng mga yakap sa unan, pero anong kakainin ni Jang pag uwi
galing sa trabaho. wala pa akong niluto?! sa isip nya.
Dali-dali syang tumayo.
Mabuti nalang anjan ka palagi. Ikaw…ikaw ang taga pagligtas ko, .
Ipinauubaya ko sa iyo ang lahat, ikaw na nakakatanto ng aking mga hangarin.
Nang dahil sayo minahal akong lubusan ng aking asawa ,. kahit mula lunes hanggang byernes
hinding-hindi ka talaga pinag sawaan, lalo syang na iinlab sakin. Maraming salamat sayo.
Magpakaelan man di kita pakakawalan peks man. Aking mahal! Ang ma dramang pag sasalita ni Gabriela sa sekreto nya.
Itutuloy…
Abangan ang susunod na kabanata.! Bahala na si Baldo anohin nya ang karugtong hahaha…
Mga mahal kong blogista ako’y mawawala muna pansamantala, mag babakasyon muna kaming tatlo ni hubby
at doggy sa Monaco. First time po akong
magbakasyon sa lugar na ‘to kaya medyo excited ang lola lolli nyo. Bitbit ko naman ang aking laptop, kaya mabibisita ko rin kayong lahat na mga linkies ko.
Bukas ng maaga ang alis namin. Ingat kayo lagi mga mahal kong kaibigan at ingat na rin kami
sa byahe, God Bless us all. Ma miz ko kayong lahat, labyo all…Happy weekend!
5 Jul

Nung sabado umpisa ng Le Tour De France, ang pinag kaabalahan ni hubby ngayon, kulang nalang e glue yong mata nya sa tv. Dati nung wala pa
syang pinag kaabalahan na AKO one of the cyclist din sya dito sa Luxembourg.
Pero yong powers nya ay di pede sa Tour De France ika nga pang national
lang yong powers nya. Di kaya ang pang international powers.
Kahit pang national lang sya, maraming awards
din syang natatanggap nung panahon ni kopong-kopong pa yon ha, shempre proud ang lolo. Kinilig naman ang lola.
Kahapon, nag half day sa work nya - you know why? dahil sa Tour De France.
The sixth time in its history, the world’s most famous cycle race returns to Luxembourg last Monday.
Kaya ayon nanood kami live, naks jumping jumping wid matching clapping din ang lolah nyo. Kaya lang namimili pa ako
ng peborit racer. wala na kase yong
Lance Armstrong ko, inagaw ni Sheryl Crow! hehe.. yeah, my favorite ever,. I’m really amazed the power of
the legendary Lance Armstrong of his successive victory, after he had operated and was declared…cancer free!
And yesterday at around noon, riders set off from diff. places here in Luxembourg before crossing
into Belgium, then nag end sa Holland tapos balik sa France. Aside, Luxembourg’s sole representative on this year’s tour ay si Frank Schleck, [peborit ko na rin] who under for the CSS team
and he’s hoping to help Italian representative [Ivan Basso] against
Germany [Jan Ulrich] ang paborito ng bayan to take Armstrong’s title. Nailabas ang issue ng doping na
disqualified ang dalawang paborito ng bayan. Haay, naku normal yata sa laro ang may dayaan ng powers.
Tas sabi ni hubby sasali daw sya uli ngayong September
competition dito sa Luxembourg, let see! Pero sabi ko, kaya mo pa kaya yong 200 km
haha..kahit mag doping kapa, no chance pa rin. Aba! ni look down ko raw sya. Haay naku
hwag na! baka sya pa yong first to the last! kulang sa training
e pano palaging busy sa lola nyo. 
Kahapon 3 yong na injured, argh! kawawa talaga - sayang yong effort nila. Tas yong nauna sa finish line taga Germany,. .
pero im soo sad naman dahil talo ang Germany vs. Italy sa football.
super ingay ng mga italyano dito, sarap ngang bazookahin. Tas mamayang gabi Portugal vs. France, yokong manood, ako’y takot baka manalo ang Portugal, talagang ma bazooka ko na sila. Eto pala yong ibang kuha ni hubby kahapon 1, 2, 3 (Le Tour De France).
nawala na yong emote ko, na busy kase sa passport ni doggy churchill andaming ka ek ekan ng veterenaire nya para sa bakasyon namin, di kase pedeng maiwan sama kahit saan.
Recent Comments