Muzta mga kaibigan ko!
Pumapatak na mga butil ng ulan mula sa langit, haay… ang sarap matulog ng mahimbing.
Pero teka lang, uunahin ko muna ang pag bablog kakatapos ko lang mananghalian, eh hapon na pala.

Ang bilis talaga ng panahon ano po! Weekend na naman, pero uulanin ata kami sa linggong ‘to, hhmm
di kami maka gala sana may sunshine bukas.

Kanina bago bumalik si hubby sa work nya, medyo iniba ko muna yong mood ko. Yong tipong galit
na parang naiinis. Kinokonek ko kase tong laptop sa pc, eh ang lalim ng instruction
di kaya ng powers ko. German kase tong windows ko.
Eh, tuwing may problema ako sa puter, at pag sinabi ko kay hubby na…help me naman - wid
lambing pa yan ha.
Tas ganito lang yong isagot nya, ok 1 minute tas yong 1 minute
maging one hour at maging bukas pa. O kaya sagutin ako ng, ok later!

Kaya naisip ko kanina ibahin ko muna ang lagay ng aking kalooban, para di ako sagutin ng 1 minute.
Ayon, diretso tinulungan ako, siguro naisip nya na baka tuluyang umandar ang buhawi sa ulo ko.

Habang kinakalikot nya yong instruction, tinanong ako, kung oks lang ba sakin ‘tong hitsura ng
pc ko,. Pina upo ko muna si churchill at pinktyuran para makita nyo gaano ka messy.

Ang gulo daw, hehehe.. bat andaming papel sa gilid. Sagot ko naman, ooppss..importante yan.
Aba! kinukulit pa ako, alin daw yong mas madali at safety, sa lotus o ganito yong nakadikit
lang sa gilid. Ah basta! para sakin mas madaling hanapin yong ganito, hehe. Alam nyo ba
anong nakasulat nyan, mga password yan lahat - nakikita nyo ba?! Andami dahil sa mga subdomains ko rin.

Kaya buti nalang pinaalala ako ni hubby, e transfer ko ‘tong lahat mamya sa lotus. Ganito din ba
desktop nyo hehe…kakahiya ko talaga noh.

Pero at least tinulungan akong mag konek kanina ni hubby,
Di ako sanay mag pixelling sa laptop, kaya eto alang magawa ang lola nyo.
Happy weekend senyong lahat! God Bless…