Anong ginagawa nyo kapag kayo’y nag da drive?
Ngeek! shempre kelangan aktibo yong dalawang paa mo, pwera sa automatic na sasakyan
isang paa lang ang kelangan.
At higit sa lahat konsentrasyon sa pag mamaneho. Kahit makipag daldalan kapa sa katabi mo,
basta concentrate kalang lols. Ganun ako super daldal ng kahit ano habang nag mamaneho.
At shempre nakikinig ng musik, yong station na pinakiggan ko ay may
mga panawagan din.
Ganito yong unang panawagan;
Isang pusa nag run away kulay puti, kung sino ang naka kita paki tawag sa number na’to ….at pag-aari
ni blah blah. At sabay sabi ko kay hubby na, kawawa naman yong pusa sana makita nila.
Pangalawang panawagan ay ganito;
Isang ibon nag fly away, kung sino ang naka kita paki tawag sa number na’to ….at pag-aari
ni blah blah.
Habang narinig ko ang panawagan na yon,
sinabayan ko naman ng pagka lakas lakas na halakhak. At biglang nag red light kaya todo
brake naman ako at huminto. Nagtaka si hubby anong
nakakatawa sa panawagan na yon, kaya habang naka red pa yong traffic lights, nagpaliwanag ang lola sa
pelosopo na pag-iisip ko. Diba, malaya na yong ibon siguro umabot na yon sa Afrika…na getz nyo
baket ako tumawa? kakaiba kase yong panawagan na yon, at nag talo pa kami ni hubby kase sabi nya not funny daw.

Narinig
ko nalang yong pagka lakas lakas na mga bosena sa likuran ko, eh pano naka green light na pala. ‘tong si lola
nabigla dahil sa kadadaldal at mabilis din ang kanang paa ko. Oops… biglang namatay yong makina, waahhh
nasa 2nd gear pala, kaya pano tatakbo ang sasakyan, eh manual car yong dina drive ko.
Sa totoo lang ha, nag panic ang lola nyo dahilan sa nakaka bingeng poot-pootan sa likuran ko.
gash! ako yong pinagtatawanan ni hubby as in lakas pa ng tawa nya,
tinanong ko sya anong nakakatawa nun? sabi nya natawa daw sya sa napapala ng isang daldalera.
Sa totoo lang nanginginig yong buong kalamnan ko noh, kase nga baket ayaw tumakbo nung sasakyan,
jusko kapag natataranta ka pala nawawala lahat ng konsentrasyon mo, yan ang napala ko
nung sabado.

May kunting updates pala ako sa adoptables, paki view nalang kahit di nyo gusto.
Eto oh, sweet dollies at Beary cute.
Have a great week to all.