Muzta senyong lahat! Tenkyo pala sa mga bumibisita dito, alam nyo na sino kayo mwaahhh!!!

Kahapon nanood kami ng kakaibang paligsahan ng mga magsasaka. Binalikan nila nung
panahon na wala pang farm tractor,kabayo pala yong nag aararo dito, diba sa pinas baka o kalabaw hanggang
ngayon ganun pa rin.

Yong palabas kahapon may labanan din, kelangan ipakita nila pano nila sinanay yong kabayo
sa lahat ng bagay. Gash! nakaka tuwa dahil naiintindihan sila ng kabayo.
Pinahanga talaga yong mga nanonood kase ganito yon, may hinihila yong kabayo na
troso tas dadaan sa maliit na pagitan na kelangan di mahulog yong bola, mga sampong
pagitan yon at may paikot-ikot pa, basta kakatuwa talaga. Makikita nyo sa pic eto at eto.
Kakaiba din yong mga kabayo, parang kabayo ni cinderella kase wow legs ang tataba ng mga paa.

Tapos ipinakita din nila pano linisin yong paa(kuko) ng mga tupa, nakakatuwa talaga kase ang kyut ng
mga tupa, kapag tignan mo ang tataba nila pero balahibo lang pala yong makapal. Tapos niyaya ako ni
hubby na sasakay kami sa, yong parang kalesa na malaki at marami yong nakasakay, jusko! naawa ako
sa dalawang kabayo na taga hila, parang jeep yong hinihila eh. Kaya di ko talaga ma
take na sasakay dun. Haay kawawa nung kabayo.

Noon yong mga magsasaka kapartner nila ay kabayo pero ngayon de makina na lahat, tsaka na bawasan na rin
yong pagod bilang magsasaka.
Bali yong mga kabayo ngayon kain tulog nalang, makina na yong nag tatrabaho sa bukirin.
kagaya nito, makina na yong nag rolyo sa damo, eto’y pagkain sa mga hayop nila kapag darating ang
taglamig(winter). kelangan may naka tambak sila na ganito kase pinapakain din nila
yong mga mailap na mga hayop sa gubat tulad ng usa atbp. Naisip ko tuloy kakain kaya ng tuyong
damo yong mga baka at kalabaw sa pinas?! cguro naman kapag wala nang makain diba.

Na halintulad ko ang magsasaka sa atin(pinas) at dito, napakalaki ng pagkakaiba na kung tutuusin
parang damo lang yong itinatanim dito para rolyohin hehehe… tas napakayaman nila, samantala
sa atin palay, mais, tubo(sugar cane) atbp. pero mahirap pa rin yong mag-uuma at least may makain din.
Psensya na humaba tuloy ang post na ‘to.
Happy Monday…labyo all!!!