Sa halip na ngayon (Friday) yong appointment ni churchil(doggy) pero kinausap ni hubby
yong beterinaryo, kaya naging kahapon ng umaga yong check up sa paa ni doggy.
Ako yong pumunta dun kahapon dala si churchill.

Pagdating dun, pinaliwanang ko yong nangyari, na yon nga hinabol nya yong pusa. Tas yon hinawakan
yong paa ni doggy at inunat ba naman, aba! kinagat ni doggy yong vet. shempre masakit
siguro yon noh! kaya nagkagulo kami. (Take note, walang rabies ‘tong aso ko alaga ni doc.)
Nagkagulo kami kasi ayaw na pahawak ni doggy sa vet. nangangagat talaga. Kawawang doggy palaban sakin,
kaya kinarga ko nalang ang bigat pa, jusko parang bebe grrr… habang karga ko, saka pa na injeksyonan
ng pain reliever daw yon.

Habang nag sasalita yong beterinaryo sa dosis ng gamot ni doggy, pinaliwanang din nya na… ok naman
daw walang nasira na buto, pero baka daw may deperensya yong litid ba yon sa may tuhod. Basta yon
yong pagka intindi ko.
Kaya kapag di gagaling ‘tong paa ni doggy this week, patulugin
sya next week para ma tignan uli ng vet. at x-rayhan.

Sa dina daming paliwanang, pinilit ko ring maiitindihan ko yong sinasabi ng vet. Gusto ko sanang
magtanong na, saan ba yong tuhod ng aso, meron ba?!
Pero pinigilan ko yong sarili ko. Hwag nang magtanong kase naubusan na ako
ng salitang barok na french ko. Baka magka mali pa ako, kakahiya. Ok lang yong habang
nakikinig ka Oo ka lang ng Oo hehehhe

Pag-uwi ko ng bahay, tinanong ko agad si hubby na, saan ba yong tuhod ng aso.
bah, tumawa sya ibig sabihin di rin nya alam. Pero sabi ko, yon ang pagka intindi ko
dun sa vet. eh! Haay..siguro mali ata yong pagka intindi ko kahapon, hehe…

Yon lang ang update ko, walang kwenta.
Happy weekend senyong lahat! labyo all.