Kelangan mey manalo talaga, tingnan natin kong meron nga ba!
Etong mga pinahulaan ko, nasa archives lahat hehehe dahilan sa Tagay Tagay
kaya nailabas yong ibang sekreto ko :)

Eto yong Tamang sagot; 2,3,4,5,6

1. Sa internet kami nagkita ni hubby at sa internet din nagka kilala kaya (MALI)
2. Oo sa middle east kami ikinasal, kase pinutahan nya ako dun :) (TAMA)

3. Oo ninong namin sa kasal yong big boss ko na arabo. (Tama)

4.Oo naging magka away si huby at bosing ko na ninong namin sa kasal, dahil di na ako bumalik sa trabaho ko, dinaya namin sya hehehe..
kase hindi nya ako payagang umalis sa trabaho. Kahit anong pakiusap ko, ayaw talaga at dinagdagan pa sahod ko, hwag lang daw umalis. At alam nyo ba, madaling mauto ang mga arabo kaya inuto namin sya na magbakasyon lang ako ng 2 wks. :)
Ayon di na ako bumalik. Tawag sya ng tawag dito sa Luxembourg, at sinabi ko na di na ako pabalikin sa Dubai. Inaway nya si hubby as in para silang mga bata sa phone hehe.. ang di ko malilimutan, sabi nung dati kong amo, f**k your grandma, sagot ni hubby wala na akong grandma matagal nang patay, sumagot uli yong kabilang linya, puntahan mo sa sementeryo hahaha.. grabeh talaga ang bunganga nun. Tas ayaw huminto sa kakatawag kahit hating gabi, kaya ang ginawa ni hubby, naka speaker yong phone tas sinagot nya ng trumpet hahaha… as in nakakatawa dahil nag pplay si hubby ng trumpet. At mula nun na porsige yong dati kong amo na, kukunin nalang yong sister ko, bali yong sis ko ang pumalit sa trabaho ko dun.

5. Yup, tama! sa Dubai ako nag aral ng basic computer, eto yong ebidensya :) (TAMA)

6. Oo marunong akong magmasahe :) PT yong kinuha ko pero biceps at patella lang ang
naalala ko ngayon, waahh kakahiya noh?! Im not proud of it. Grrr..! (TAMA)

7. Hindi ako marunong mag gitara. (MALI)

8. Hindi ako gumagamit ng rexona o ano pa jan, last year gumamit ako nyan napilitan ako nun kase alang tawas dito, naks nagka pigsa yong kili kili ko, na hospital tuloy ako. Kaya mula nun
napilitan si hubby maghanap ng tawas sa online, sa UK ang suki ko, made in pinas naman. :) (MALI)

9. Hindi Christian Dior ang lipstick ko,. Mary Kay gamit ko.(MALI)

10. Hindi Fahrenhet ang perfume ko, angel yong gamit ko.(MALI)

Walang nanalo, kaya eto pangalawang game, kelangan may manalo na talaga. Good luck sa
hula nyo, ang maka una ay syang panalo. DOMAIN w/ HOSTING ang premyo. Yong mga may domain na, puhliss salimpusa lang kayo ha! :) Bigyan natin ng chance yong wala pang domain.

Eto ang tanong…
Sinong Celebrity yan?!
A. Sharon Cuneta
B. KC Conception
C. Jolina Magdangal
D. Angelica Panganiban

Dami ko nang utang senyong lahat, babawi muna ako :) labyo all.

may dalawa akong angels na katatapos lang ng webby nila si Diane at Grysh! :)