Muzta kayong lahat? sa mga nakiki celebrate ng halloween sana nag enjoy kayo.
Dito rin sa Lux may party at etc. Pero kami ni hubby ko, di kami naniniwala o nag
celebrate ng halloween.

Sa sobrang sweet na mga linkies ko, tenkyo sa mga halloween tags. Ang sweet nyo talaga.
Kahit di ako naniniwala i appreciate those tags nila ni;
Thinz, Irish,
Janelle,Thian,
at sis Noreen. Thank you guys!

Nanaginip na ba kayo na umiiyak sa panaginip at nang biglang magising totoong umiiyak?!
Nung isang gabi nakausap ko ang aking mahal na ina sa isang panaginip.
Na…may pupuntahan sya sa napakalayong lugar. Pero bago nya ako isama sa lugar na
pupuntahan, pinababa muna ako sa pulang kotse nya upang linisin ang aking mga paa kase
daw marumi yong mga paa ko, at baka madumihan yong kotse nya.

Bumaba ako at naghahanap ng tubig. Pagbaba ko, mga bahay lang yong nakikita ko, kaya
kumatok ako upang makihugas lang, subalit di ako pinatuloy. Ilang bahay ang kinatok ko,
ganun pa rin walang magpagamit ng gripo. Ilang oras akong naghahanap ng gripo.
Hanggang umabot ako sa malayong lugar at isang may ari ng bahay kung saan pinatuloy ako
upang makihugas.

Pagkatapos…
Nagmamadali akong bumalik sa lugar kung saan nag hintay si mama, ngunit nadatnan kong
wala na sya, iniwan na ako. Umiiyak ako nang pagka lakas-lakas pero walang nakakarinig
sakin. Walang tigil yong iyak ko. Hanggang sa, bigla nalang akong nagising at totoong
umiiyak ako. Grabeh, ramdam ko yong sakit dahil di ako isinama ng aking mama.

Di na ako nakabalik sa pagtulog dahil iniisip ko talaga ang panaginip na yon. Hanggang sa
nasagot ng aking isipan na parang pinabalik sa aking alala ang isang bangungot na
karanasan.

Siguro di nyo ako naiintindihan, dahil di nyo alam at ramdam ang napakasakit na
karanasan ko sa buhay. Na, hanggang ngayon walang paghihilom ang mga sugat.
Kung may tyaga kayong bumasa sa old post ko. Click mo dito!

Waahh! i dreamed about the red car of my mom, hhmmm.. perhaps i need change my car? hehehe.. joke lang! But hey! maybe, if so…What do you think would be the best cars automatic or manual? :)
For me i don’t care the brand as long as im comfortable to drive.
And of course comfortable in my pocket :) try to look this,
San Diego cars where you can decide the best options in buying cars.

Haay-naku nag emote ang lola nyo, blog hop muna bago kami aalis ni hubby,
pramis babawi ako senyong lahat at maraming salamat sa lahat na bumibisita dito.
Labyo all…