Yay! weekend na naman. Sana mas lalong bilisan ang panahon para matapos na ang winter
at mag summer uli.

Mula nung Monday ngayon lang ako hindi nagka busy, di nga ako masyadong naka blog hop sa week
na ‘to busy ang lola eh, panay labas tas ang lamiig., brrr!

Kanina na surpresa ang beauty ng lola hehe kase di ko naman akalain na maka tanggap
ako ng nice gift from US galing kay Kookie, naks! maraming salamat koko. :)
eto yong gift nya!

At peborit ko rin ang kulay pang
summer sya, kaya gusto ko nang mag summer agad para masuot ko ‘to hehhe… Laking gulat
ko rin dahil kasyang kasya ko talaga, ang galing mag estimate ni kookie di naman kami nagkita
sa personal pero kuhang kuha nya yong sukat ko, ang galing! tenkyo tenkyo kookie.
hahahha…eto sinuot ko, pag bigyan nyo na ang lola ngayon lang ‘to. :)

Kahapon naghanap ako ng gift para kay hubby, birthday kase nya ngayong lingo. Ang hirap
mag isip ng pang regalo kaya boung araw akong wala sa bahay kahapon. Sabi pa nya, hwag ko
na raw syang bilhan ng regalo, na getz ko naman bakit sinabi nya yon kase pera din
nya yong pambili ko haha.. kaya sinagot ko nalang ng pabiro na, hwag kang mag alala
card ko naman ang gagamitin ko hindi sayo,
tumawa nalang sya, card ko nga pero pera din nya hahaha..

Happy weekend sa ating lahat. Todo blog hop ako ngayon labyo all.