I woke up with a doozer of a migraine headache.
Thank goodness for Adulfen pills. Kaya eto naka pag online pa rin.

Bukas mag papalit na kami ng winter tires,(spikes tires) etong si hubby puro
nalang next Saturday, next next…di ata nauubos ang next nya. Dapat sana nung
first Dec. pa, yan ang required time from Dec.1 - March 31 kelangan naka spikes yong
4 tires. Inaantay pa ata ni hubby na mag penalty kami nito. Babatukan ko na talaga ‘to
pag wala pa ring mangyari bukas.
Natatakot lang ako sa black ice, napaka delikado kase sa daan, kahit nilalagyan nila
ng asin natatakot pa rin ako.
Yoko ring pumunta mag isa sa garage, no way! Di ko pa yan nasubukan hehehe..
inaasa ko lahat kay hubby, as in dependent ako sa mga ganyan.

Sa ngayon wala pang snow dito, pero sobrang dulas ng mga daan dahil frozen. kapag
darating na ang snow at maging ice yong snow, ang saya pag na slide sakit sa pwet.
Nakabili ako ng boots noon na walang spike, nadaanan ko yong snow na naging ice na, gash!
ilang ulit akong na slide, muntik ko nang languyin para marating ko lang yong bahay namin.
Mula nun pinalagyan ni mom inlaw ng spikes ang lahat ng shoes ko hehehe… bago pa kase
ako nun, pero ngayon bihira nalang ako ma slide kapag tatanga tanga lang ako. :)

Dito sa Lux., kapag yong harapan ng bahay dinadaanan ng mga tao, kapag may ma slide
managot ka lalo na pag napilayan yong tao. Kaya yong mom inlaw ko, todo linis sya sa
harapan ng bahay nya tas nilalagyan ng asin. As in careful lang yong MIL ko dahil baka
rin sya mismo ma slide hehe.. ako naman, si hubby taga linis lamiig noh!
nililinis nya para di kami ma slide. LOL

Pamaskong handog, chaaring!
Sa sinong gusto ng siggy sa may itaas yang (bear-santa) pedeng mag request with your name
on it. Paki tama lang ng email nyo. At sa lahat ng pink angels sa angelic-pink.net paki hanap ng name nyo dito. Kung
wala yong name mo, be sure na active yong site mo sa angelic-pink.

Honga pala natawa ako sa comments ni Nyurnie sa previous post ko hehe..
gurl, ano kase first time ata sila naka kita ng onggoy na walang buntot kaya
ganun mag biro yong ka ofismeyt ni hubby hahhaa..

Happy weekend sa lahat at labyo all…