Good evening all. :)
Buong araw wala ako sa bahay kaya gabi na dito at ngayon lang naka upo sa lappy ko.
Galing kami ni hubby sa Germany, psst! hwag nyong isipin na malayo ha, sobrang lapit lang
magka dikit lang naman ang Germany at Luxembourg, yong ibang German nga dito sa Lux bumibili ng
petrol oil, at yong France at belgium ganun din mura lang kase dito sa Lux.
Yong lakad namin kanina somewhere in border lang.

May appointment kami ni hubby sa lawyer dahil bumili sya ng something out
there in Germany [???]. Ang nakakatawa, dahil sa maling akala hehe.. akala nila
kasintulad na nila ako magsalita ng German, susme! bebe pa lang ako dito
sa europa at ilang sakong bigas pa ang kakainin ko saka ako matuto sa lenggwahe nila.

Kaya kanina biglaan, shocked todo hanap ng translator, bali kung ano yong binatbat na
dasal ng lawyer e translate sakin. May isang nag presenta kakayanin daw nya hehehe…
imagine, para di masayang yong lakad namin kanina may nag volunteer pa. Guys
he’s very fluent in Enlish, pero sa sobrang lalim ng salitang German parang nalasing
yong translator hehe…

Sa kalagitnaan ng pag dadasal ni lawyer, mga 10 minutes siguro yon,
nahirapan yong translator kong pano isalin sa salitang english yong napaka lalim na salitang
German. Naka imik ang lahat at biglang tumawag ng dictionary please..hahhaha funny as in! Ang sarap piktyuran LOL.
Agad naman dumating yong dictionary, lahat naka smile kagat dila na rin ako baka
lumakas pa yong tawa ko. Hanggang sa sumuko na yong translator ko hahaha..sabi nya,
enough for me i thought it’s easy LOL. Sa dinami daming ka ek ekan kalahati yong natapos at babalik kami after Christmas or January hahanap si hubby ng good translator, bawal kase na si hubby ang mag translate
yan ang law nila, argh! Kaya yong lakad namin kanina di natapos, Haay
talaga nothing is easy in this world. LOL

May new angel pala si Gayle from pinas may isa kaseng kapangalan nya na taga Hawii :)
eto yong site ni Gayle, blogspot yong blogtool nya pero angelic-pink yong URL. Sa mga nag signup sa angelic-pink, kung nahirapan kayo sa WP, ok naman sa blogspot gamitin nyo. Just ask me pano gawin yong settings in case di nyo alam.

Honga pala tenkyo sa lovely gift nila ni Hannah
  kay Ninah at kay
Chuckey na soon maging sexy mommy na. :)
maraming salamat guys at sa lahat nang dumalaw dito sa site ko, tenkyo all.

Patawad ako’y antok na, bukas na ako bibisita sa mga tahanan nyo. Labyo all…