Kahapon may kainan sa French class namin christmas party daw pero walang exchange gift
at yong handang pagkain ham with french fries at salad. Di ako pumunta kase alam ko
mapoporga ako sa ham ngayon linggo sa party nila hubby.

Mayang alas 7pm kainan uli sa ibang klase (Letzebuerg /Luxembourgish) pero yong handa
pizza naman, buti kong sa pizza hut yong kagaya sa pinas, hindi! Napa oo na ako sa prof. na pupunta ako. Pero
umiba ngayon ang ihip ng hangin sa ulo ko, alam ko namang di ako mabubusog sa dinner na yan,
psst! di ako nasarapan sa pizza nila. (porya gaba lang).

May pang sigang pa ako na bigay ni manay Neng tas may isda ako, o diba heaven ang dating
kesa pizza nila. Pero iniisip ko pa yong e reason ko sa prof. namin kelangan ko
pang tumawag para ma cencell yong reservation ko dun sa pizza resto na yon.

Alam kong di naman masaya si hubby sa plano ng lola na di pupunta, kahapon nagalit sya
im not friendly daw. hmmft! pero pag nag sakit sakitan ako sa ulo, madali ko syang ma bulsa.
Wish me luck nalang sana maka lusot ako kay hubbytot.

Tenkyo sa mga sweet gifties galing kay Gayle  
Diane  
Nyurnie  
Nicole cool  
lhadymitch  
Valerie  
Irish at kay Sherica
Guys, sobrang sweet nyo
talaga, kelangan babawi ako nito hehehe tenkyo tenkyo mwaahhh..

May bagong angel pala si Karen
paki visit nalang sa site nya. :)

Merry Christmas To All…
and remember, Jesus is the “reason for the season”!