Its Friday everyone! Yahoooo!
Medyo masakit ulo ko ngayon, siguro dahil sa isang boteng san miguel beer na
ininom ko kagabi. Hindi ako sanay uminon pero napilitan lang kagabi.

Kase etong si hubby ang aga inantok na. Ako naman na sobrang duwag
sinabayan ko na rin si hubby matulog ng maaga. Kahit gusto ko pang mag computer,
pero naghahari yong pagka matakutin ko, ako lang mag isa sa computer room,?!
no way! takot ako sa mumu.
Humihilik na yong katabi ko, pero yong mata ko maliwang pa sa flashlight. Ginising ko si
hubby sabay sabi di ako makatulog. Sabi nya bilangin ko raw buhok ko hanggang sa mapagod
at makatulog. Kakaibang payo nya noh?! Kumakanta ako, nasa ilalim pa ng kumot takot
sa dilim eh, pero kahit kumanta na nga ako, humihilik pa rin si hubby.

Kaya naisipan ko yong isang boteng beer na matagal ko nang binili sa asia shop, 2 months na ata.
may nagsabi kase sakin na nakakatulong daw ang beer kapag may dismenorya, pero
di ko naman sinubukan kase ayaw ko nga sa lasa. Dahil sa wala akong maisip na paraan kagabi,
yon nga. Ginising ko uli si hubby para samahan nya ako na kunin yong beer, sumagot nga pero
wala akong naiintindihan sa pinagsasabi nya, tulog eh. Kaya tinawag ko nalang si
churchill (doggy) lumapit naman, ayon sinamahan ako sa kusena.

Lahat ng lights nakabukas tas patakbong pabalik sa bed. Etong si hubby paiba iba
ang tunog ng hilik nya, may hilik pa na naka buka yong baba, muntik ko nang
painumin ng beer. Pero na konsensya ako kaya di ko na tinuloy.
Umepek yong beer, nakatulog ang lola, sinabi ko kay hubby “pam” din yong beer
pampatulog.

Eto piniktyuran ko pa ang bote :) di rin pahuli ang buddy ko sa camera.
Well, I just wanted to wish everyone a happy Friday! Labyo all…