Hindi ako nakapag bloghop sa weekend, may pinagka busyhan kase :)
Kahit ngayon busy din, pero update pa rin kahit walang kwentang
update. LOL

Weekend namin as usual malamig :) pero dumating yong snow. Kala ko tao lang yong mag
e enjoy ng snow pati rin pala hayop hehehe…

Siguro tinikman din ni churchill yong snow hehe… kase pati nguso nya may snow flakes. :)
pero pag pasok nya sa loob ng bahay kalbaryo ko naman yong sunod ng sunod sa paa nya
lalo na pag dumiretso sya sa may carpet, argh! todo linis naman ako. At least hindi putik
basa lang yong sahig kaya sinusunod ko sya ng mop. :)

At naka pwesto pa sa sofa tulog. Swerte nang asong ‘to
binibebe sobra. Sabi nga ng friends namin kapag may baby na raw kami tiyak
magseselos ‘tong aso namin, haay naku! Kahit hugging hugging nga lang kami ni
hubby nagagalit na si doggy. Siguro kung may aso kayo, alam nyo pano sila
mag seselos. At isa pa, as in parang toddler din sila.
Minsan, kapag nakita ni doggy na hawak ko na ang car key, kumakahol na sya
ibig sabihin sasama sya. Kapag nakita nyang nag suot ako ng jacket, shoes o sinasarado
ang mga pintuan, o kaya marinig nya yong salitang lets go namin ni hubby. Sobrang
ingay talaga ni doggy.

May lakad pa kami ni hubby, kaya maya na ako mag hoping pag uwi, pramis babawi ako senyong lahat.
Labyo all and happy Monday!!!