Nung nakaraang linggo…
Mangga! Kapag inisip ko ang mangga na hilaw, agad tumutulo laway ko. LOL

Kaya tumawag ako kay hubby sa work nya - bago umuwi ng bahay bili muna sya ng mangga,
yong green sabi ko. Pero umuwi sya yellow yong bitbit kase wala daw green. Shempre kinain
ko naman masarap dahil matamis.

Kinabukasan, iniisip ko naman yong mangga na hilaw - at yon nga tumawag uli kay hubby na
paki bili ng mangga, yong green. Nasa sasakyan pa lang sya tumawag sakin at sabi;

Mahal, nakabili ako ng mangga na green hinanap ko talaga. may pagka proud pa sa sarili nya, dahil green mango daw ang bitbit nya. LOL

Pagdating ng bahay… Yup! green nga pero ang lambot! wahahaha..natawa ako sobra!
Alam nyo ba pag green tas malambot putla yong pagka hinog diba tas maasim, ganun nga. Shempre kinain ko rin.

Kaya ako na talaga mismo ang naghanap ng mangga na hilaw, at sa wakas natagpuan ko rin sa may asia shop, hulog ng langit as in hilaw talaga. Ewan, magkano ang kilo, kumuha ako ng dalawang piraso kase apat lang yong natira tas dalawa lang yong hilaw talaga, tinimbang at yong presyo 5,80 euro sa dalawang piraso.

Ngaak ang mahal.

Tas bumili na rin ako ng bagoong alamang, yummy!

 

Nang makita ni hubby ang nabili ko, sabi nya bakit ko raw kinain na hilaw pa. LOL