Galing ako sa OBE, at kinunan na naman ako ng dugo pero one tube lang.
Kinuha uli yong timbang ko, at shempre tinignan ang babies, they’re both
healthy. Thanks God!

Then, sabi ng doctor bibigyan kita ng papers para sa dentist to check your ngipin,
naisip ko bigla…baket pupunta ako ng dentist ala namang problema sa ipin ko.
Natahimik lang ako.

Tapos dagdag pa nya, bibigyan kita ng dalawang papel dahil kambal ang anak mo.
Ako naman, tahimik pa rin habang nag-iisip, hindi ko sya tinanong para saan,
inantay ko lang sya matapos at makita ang papel na sinasabi nya.

Tas, yon pala kelangan pupunta ako sa dentist para ma check yong ipin ko, requirements pala yon, para sa allocation galing sa gobyerno.

Bali kada buwan may pera akong matatanggap, shempre bawat buntis
sa Luxembourg. Dahil twins ang dinadala ko kaya doble daw yong maging allowance galing sa gobyerno.

when the babies born, sahod naman ni hubby ang tataas.
Ang gaganda ng mga benipisyo sa gobyerno dito para sa mga bata, hanggang mag college pa.
Tsaka enincourage din nila ang mga couple na magka baby, kasagaran kase dito na mga couple
walang anak dahil ayaw nila at yong iba na may anak - isa, dalawa apat lang yong
pinaka marami.

Kagaya sa tita ng hubby ko, silang mag asawa parehas sa banko nag trabaho dati at walang
anak, dahil ayaw nila. Ngayong matanda na sila, ayaw pa nilang pumunta sa home for the
aged - baka ayaw pa nilang ewan bahay nila hehehe…

Naisip ko tuloy, ang laki ng pinag kaibahan ng gobyerno nila dito keysa ating bansa.
Sa atin, kung ma hospital ka - na walang pera walang doctor na lalapit sayo. At yong iba
ayaw nalang mag pa doctor dahil sa kawalan ng pera, as in Kawawa talaga yong mahihirap sa atin. Tsk stk…

Dito naman, wala kang babayaran dahil sagot lahat ng insurance, kahit sa pharmacy
15 or 20% lang yong babayaran mo sa mga gamot dahil yong 85% insurance na ang magbabayad, pwera sa vitamins hindi yan sinasagot ng insurance.

sa atin ang taas pa ng mga tax na babayaran, tapos… haay naku!