Sabi ng vet. preventing your dog from getting sick is by making sure he gets
all his vaccinations on a regular basis.
Pets, like us also, can be protected from some diseases by vaccination.

Churchill’s vaccination required yearly, isa na ang pinaka dahilan dahil sinasama namin
sya sa bakasyon. Tini check lagi ang passport kong kompleto ang vaccination nya.

Nung nakaraang linggo schedule nya…

eto ang hitsura nya, ayaw nyang tumayo dahil takot sa doctor, naka white kase yong vet. kaya
alam na alam nya kung aanuhin sya. LOL
Kinarga nalang ni hubby at di pedeng ewan sa madulas na mesa dahil tatalon talaga. LOL



Yong ibang aso bali wala lang yong injection, pero etong si churchill talagang nakakatawa
dahil umiiyak, yong para bang pinapalo sya. Kaya tinatawag sya ng vet na “the most sensitive dog.”





Walang health insurance ang pet dito, kaya bulsa ni hubby ang nagbabayad, whew! ang mahal pa. Pati yong drops nya para sa insects bites ang mahal din. May insurance si churchill pero yon bang kapag naka sira sya ng mga bagay o naka kagat sagot ng insurance.

Tinatawag yan dito ng Haftpflicht insurance, every year yong payment.
At shempre may tax din mga pet dito pati pusa.

Kaya kahit saang sulok bitbit namin ‘tong si churchill, ma resto o shopping, so far di pa nagamit insurance nya. LOL

Minsan, kapag e walking ko si doggy, nakakalimutan ko yong plastik para sa poo. Yup, pinupulot ang poo ng aso dito, kase kapag nahuli na hindi mo pinulot ang laki ng penalty. Pero yong nakalimutan ko yong plastik, no way, na pupulutin ko yong poo hehehe alangan kamayin ko yon, kahit mag penalty pa ako. Buti nalang walang naka kita, naisip ko may taga linis naman. Pero isang beses lang yon nangyari.