Archive for October, 2007

5 years from now?


Pasko na, gumawa ako ng simpleng christmas siggy para sa sinong gusto nito paki bitbit nalang. LOL

May TAGAY pala ako from Monica, kaya ginawa ko na kase ilang beses na ata di ko ginawa yong mga tagay na bigay nya. LOL

Eto yong tanong; How do you see yourself 5 years from now?

5 years from now maging busy mom na ako, may ihatid sundo na ako sa school, Si bebe Marc at bebe Mike kinder dito mag start kase ng 4 years old. Tsaka, I’m sure automatic car na ang gagamitin ko hehehe manual kase gamit ko ngayon which is nice naman kase pede akong mag drive both manual and automatic base sa driving license ko. At siguro tataba na rin ako hehehe… at fluent na rin sa lenggwahe dito na [German, French, Luxembourgsih].

Gumawa na pala ako ng tutorials kung paano mag create ng subdomains using controlpanel SYSCP. Yong mga hosted ko paki bisita nalang sa the Princess.

Haay… ang lamig na talaga, kahapon umatras na nang isang oras ang lahat ng orasan dito, ibig sabihin winter na talaga. brrr… grabeh lamig sa labas.

Honga pala sa lahat ng nag bigay ng gifties, tenkyo girls.
sweetrai, sis Gayle, at pinkcheeksjiz

  • 26 Comments
  • Filed under: Fall
  • preggy me…

    Eto yong hitsura ng belly ko from 13 weeks to 19 weeks.


    Kahapon may appointment ako sa OB. Dito kase pag first trimester once a month yong schedule mo sa OB, then after ng first trimester every 2 weeks na. Naisip ko lang, iba din sa pinas dahil yong mga buntis dun ilang beses lang ata sila maka dalaw sa OB noh?!

    Dito yong OB mismo ang magbigay ng schedule para sa checkup. Shempre para magka pera din sila, pero ok lang wala ka namang babayaran sagot lahat ng insurance every checkup.

    Tuwing visit ko sa OB, pag pasok mo pa lang parang magic agad, diretso sa toilet para sa urine, tapos pasok sa isang kwarto para kunan ng dugo at dito ako palaging nerbyusin. Ang sakit kaya noh, buti kong isang tube lang 3 palagi tas minsan magkamali pa lilipat sa kabilang kamay kaya jan ako natatakot. LOL

    3 weeks ago, nung pag dalaw ko sa OB, medyo tumaas yong dugo ko at reklamo ko rin palaging
    sumasakit ulo ko. Kaya yon, payo ni dok 2 liters a day ang iinumin ko. Jusko, muntik ko na
    rin lukduhin ang toilet bowl sa kakaihi noh. Pero epektibo talaga di ko na kelangan ang
    paracetamol tubig lang pala ang gamot sa sakit ng ulo kapag buntis ka.

    Kahapon tinignan yong blood pressure ko normal na, naisip ko tuloy baka tumaas lang yong dugo ko last time kase natatakot ako sa malaking karayom hehehe tuwing kukunan ako ng dugo kinakabahan ako as in, todo tug tug tug talaga yong heart beat ko. Ewan basta ganun ako. LOL

    Reklamo ko rin kay dok kahapon, kelangan bigyan nya ako ng magnesium dahil sa cramps na walang patawad sa dalawang paa ko. Last time nag cramps yong paa ko nagulat nalang si hubby at muntikan nang mahulog sa kama dahil sa sigaw ko. Susme, sobrang sakit grabeh. Kaya tenkyo sa magnesium dok.


    Karen, tenkyo sa napagandang gift na ginawa mo, mwaahh!

  • 37 Comments
  • Filed under: Fall
  •  
    Happy Monday!
    Sa mga na host kong domain, siguro gusto nyo rin mag host ng iba, dahil diba malaki yong space nyo, ganito kase yong package;

    Webspace (MB): 250
    Traffic (GB): 5 (i can add if needed)
    Sub-Domain(s): 10
    E-mail-Addresses: 10
    E-mail-Accounts: 10
    E-mail-Forwarders: 10
    FTP-Accounts: 5
    MySQL-Databases: 5

    Madali lang mag create ng subdomains, antayin nyo nalang ang tutz ko baka e post ko next week hehehe matagal ba? wala namang nag mamadali, tsaka tagalog tutz ang gawin ko kase ang hosting ko para naman talaga sa mga kababayan kong bloggers.
    Yong hindi pa naka bisita dun eto yong site PRINCESS di ko kase nilagay ang link dito kase yokong may mga banyagang nangungulit na e host ko sila. Ini ignore ko nga mga email nila.

    Pero very picky ako sa e hohost ko ngayon basta basahin nalang nyo dun. Tsaka yong domain na binigay ko na ang DNS pero di pa nila na point sa server ko, medyo ilang weeks na rin ata, kaya ’till Friday nalang. Pag di nyo pa na point e delete ko na account nyo. Sori!

    Dati kase pag binigay ko ang DNS sinabay ko na rin ang login account, pero ngayon ibahin ko na, e point muna ang DNS saka e send ko ang login.

    O cge guys, next update uli.Bloghop muna ang lola.

    Haayy..salamat sa wakas nakita ko na yong matagal ko nang hinanap na code para sa archives ko, kase humahaba na pero ngayon naging drop down na sya. lalala..

  • 17 Comments
  • Filed under: Fall
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: