Na gustuhan ko ‘tong mga gifties para kay bebe Marc at bebe Mike at shempre galing sa da best grandma at grandpa nila.

isang sterilizer express at 2 puzzle mats.

High bebe contact o bebe phone, nagustuhan ko talga ‘to kase kahit nasa garden o basement ako ng bahay ma monitor ko pa rin ang babies kapag nagising o umiyak. kaso lang orange ang kulay sana blue, pero ok na rin at least di pink hehe…

bottles for new born, draining rack,ventilated breast shells at bebe bath thermometer.

dalawang pares na soft playmat with hanging toys, soo colorful sa babies.

Dalawang pares na li’l shoes. Soo cute!

Thanks mom and dad, ewan anong gifts na naman kaya ngayong pasko. Namihasa tuloy ‘tong isipan ko. LOL

So far, di pa natapos ang pag aayos ng twins room, I’ll post it later pag natapos na. Halatang uber excited ang maging mommy noh!. LOL