Nung sabado kahit malamig lumabas ako para mag shopping ng ilang gamit ng twins. Sa totoo lang tamad na akong maglakad as in mabigat na ang tummy ko, di pa eksaktong 6 months pero ang bagal ko nang mag lakad. Pero nung nasa loob na ako ng Baby Shop, feeling ko gamuaan yong tyan ko hehehe siguro sa sobrang excited mamili ng mga gamit ng babies, ang sarap mag shopping ng babies things. Kung di lang ako naiihi ayaw ko pang lumabas. LOL

Ngayong myerkules OB visit ko na naman, buti nalang nag volunteer si mom inlaw na e drive nya ako papuntang OB. Parang totoong mother ko talaga sya, kaya i love her to the max.

Eto lang yong nabili ko nung sabado. Di pa ako kompleto ng gamit kase yong inorder namin na furniture set di pa dumating end of December pa e deliver, kaya as in empty pa rin ang twins room ko.


soo cute for my twins


lil cute shoes


bath tub with floating cushion