Nung Myerkules pedia visit tapos wala si doki, pero may substitute naman - guess who?! Neonatalogist/Pediatrician nung nasa NICU pa ang kambal.

Una laking smile nya nang makita ang kambal. Of course who doesnt love those little puggy cheeks, and chunky legs! Tinignan nya ang health booklet at vaccination card, pati vitamins tinanong nya, eh sya yong nag prescribe kung anong vitamins dapat bago kami lumabas sa NICU nun, at kung anong formula milk na ginamit at pati tubig, kelangan sundin sya. In short the best Neonatalogist.

Sabi nya; born January 5 (30 weeks gestation) 10 weeks premature, supposed to be March 13 ang due date, so ngayon eksaktong 2 months na sila.

take note kinokonsider ko na 31 weeks gestation dahil sa record ay 30 weeks and 5 days. Pero si Pedia 30 weeks talaga.

Sa loob loob ko hellooo 4 months na babies ko noh! Tapos tinanong nya ako sa developmental milestone, yeah not so behind sa full term babies. But they’re still premature.

Kala ko pede na sila mag solid food, argh! excited pa naman ako, as usual every 4 hours pa rin ang feeding with tea time, may tea sila since nag formula pampalambot ng poop. Every morning ganito pa rin kadami na beberon ang inisterelize ko.

Sa timbang halos di rin sya maka paniwala. In general, a chubby baby is a healthy one, doctors say. But genetics may be partly to blame. Ayoko na maging kagaya sila sa daddy nila na super tabaching noon, overweight. Eto yong daddy nila nung bebe pa, at eto naman nung 5 years old. Pero sa edad na 18 years old naging ganito sya ka pogi ahehehe… basta ang ginawa nya “kontrol sa pag kain, exercise at desiplina sa sarili”.