Kapag nasa work si hubby ganito ako mag pakain sa kambal. Siguro sa tingin nyo, easy lang- pano kung na chochoke ang isa?! ang hirap, lalo na nung bago pa lang sila umuwi galing NICU, laging na chochoked si Mikmik at umiiyak si Macmac dahil mahinto lagi yong pag didi nya. Minsan, ang ginagawa ko, mauna si Macmac kumain at naka yugyog din si mikmik gamit ang aking mga paa. Pero ngayon, I’m soooo happy dahil hindi na nachochoke si Mikmik kaya di na ako masyadong nahihirapan. Malaki na ang mga babies ko, halos hinahawakan na nga yong beberon kapag gutom na gutom. LOL

Minsan, matigas yong poop ng kambal lalo na ‘tong si Macmac halos twice a week lang mag poop, pero sabi ng pedia as long OK ang bebe, hindi umiiyak at kumakain walang problema. Pero eto nga kelangan ang bebe tea pampa lambot ng poop at yon malambot na yong poop nila. At pareho silang gassy babies pero hindi colicky, si Mikmik may colic minsan pero nang may bebe tea na sila, Thanks God hindi na naranasan ni Mikmik ang colic, pero gassy pa rin utot ng utot at normal daw sa mga preemies.

Tuwing tea time, talagang ganito lagi ang hitsura nila ayaw na ayaw yong lasa, laging may riot ahehehe.