Kahapon pag uwi ni hubby galing work may pasalubong sya sa kambal. Laruan! At gigil na gigil naman ang dalawa dahil bago sa paningin nila, pero mga ilang oras lang wala na, pinag sawaan na nila. Kapag ibigay mo nagagalit iniisnab na, natatawa nalang kami ni hubby.

Malaki na nga sila, ang likot at napaka ingay na. Minsan kapag pinagmasdan ko sila, bigla nalang tutulo yong luha ko sa sobrang saya. Oh, my precious twins!

Parang kelan lang na buntis ako at sa loob na anim na buwan at tatlong linggo [6mos. & 3 weeks] pwersang inilabas sila na di ko napag daanan ang tinatawag na mag labor. Huh! sobrang liit nga nila nun, halos magka sinlaki lang ng 12 oz na coke. Sa loob ng 52 days sa nicu araw-araw kaming ganito ni hubby at ako. Alam ko pag malaki na ang kambal makikita nila ‘to kung gaano ka liit yong hitsura nila nun, na kahit nabili ko na ang pinaka maliit na damit ng baby (preemie dress) ay malalaki pa rin sa kanila.

Ngayon kapag nasa labas kami halos lahat di makapaniwala na preemies ang kambal ko, dahil big boys na nga sila. Ang bilis talaga ng panahon anoh?!