Kapatid na babae ni hubby may identical twin din, mula nung maliit pa ang kambal nya talagang magkaiba na sa gamit. Ang resulta, laging nag aaway dahil nag seselos sa gamit dahil hindi nga pinarehas yong kulay ng mga gamit nila.

Yong pinsan ko naman na fraternal twin magka iba ang hitsura nila pero pinarehas yong mga gamit ahehehe…

Ngayon tinanong nya ako kung magka iba raw ba ang mga gamit ng kambal ko, shempre magka parehas silang dalawa. Sabi nya hindi ka ba nalilito? shempre hindi, dahil may palatandaan kami ni hubby na si bebe Marc ay kelangan nasa kanan lagi at si bebe Mike naman sa kaliwa. Alam ko pag malaki na sila ayaw na nila na magka parehas ng gamit, habang maliit pa sila kelangan pantay para walang suntukan ahehehe.. ganun kase yong mga pamangkin ni hubby nag susuntukan lagi. LOL