Kickin’ and splashin’!!!
Palagi akong nababasa kapag bath time ng kambal at halos tatalon na sila sa kanilang bath tub, in short super likot nga. whew!!!

Gusto ko sana sa bath tub nalang namin sila paliguan pero maliit pa sila di pa pwede, kaya naisip ko na subukan ‘tong tummy tub. Bumili si hubby kahapon at sinubukan ko kanina. Wow! epektibo gustong gusto nila at higit sa lahat di na ako nababasa hahaha… splash ng splash lang sila at kelangan careful din ako kase yuyuko yan at hihigupin ang tubig, waahh… haay naku ang mga babies nga talaga anoh?! LOL

Gustong gusto ko talaga ‘tong tummy tub dahil [allow baby to relax in a natural foetal position kaya suitable from birth], as in maganda sya at super enjoy ang bebe at higit sa lahat di tayo nababasa. Ang kyut pa nila tignan ahehhe…

Happy weekend sa lahat!!!