Hay naku ngayon lang uli ang update, medyo tinamad lang ako sa blog na ‘to.

Alam nyo ba, mag ala una na ng gabi dito pero gising pa kaming lahat. Mga one week na ata ngayon, ang tagal matulog ng kambal sa gabi huhuhu lagi kaming puyat dahil natutulog lang sila mga 3am ng madaling araw.

Super aktiv ng dalawa nag hahagis ng mga laruan, nag sisgawan basta nag lalaro lang sila hanggang sa maka tulog ng madaling araw. Sarap nga painumin ng beer eh, para antukin agad hehehe

Pero nagising yan sila 11am ng maaga, shempre pati ako alas onse na rin nagising, kaya ok lang baligtad na kami ngayon natutulog. Pwera kung may bebe gym [ baby gym for premature] kelangan magising kami ng maaga dahil mag start yong gym nila 8:15 am, yon nga nag wawala ang dalawa kase antok na antok pa sila sa oras na yan, kaya medyo nahihirapan ang incharge therapist nila, kase nga umiiyak ang babies gusto pang matulog. Shempre mga porfessional sila kaya may tiknek din sila pano mapatahan ang kambal.

kakainis pag maaga kami lumabas kase super lamig na talaga.