Birthday party ng parents inlaw ko kanina, tas yong gift na binigay namin yong suggest ni Liz. Nagustuhan nila yong gift namin Liz. Thank you sa idea mo. :)

Paarty party, pero iba talaga ang party sa pinas may lechon, dito wala. lol

Ang kambal super cool sa party, mga lolo at lola nag enjoy sa kambal dahil nakaka tuwa na talaga mga anak ko. Susme parang kelan lang ako nanganak eto lumalaki na sila, andami nang alam, like clap your hands, No no, bye bye. Super ingay nag sisigawan at sabi ng mga lolo’t lola kumakanta daw hahaha…

Naging entertainer nga tuloy ang kambal sa party.

Hanggang natapos ang party di talaga sila umiyak, nag eenjoy pa nga eh dahil daming tao sa paningin nila. Kaya napa bilib tuloy ang lolo’t lola dahil napaka behave talaga ng babies, kumakain kami enjoy naman sila sa books at pinanood kaming kumakain. More photos sa flickr ko.

Bukas na ako mag blog hop, gabi na dito tsaka medyo maaga natulog ang kambal napagod ata sa party hehhee