13 Nov
Hay naku ngayon lang uli ang update, medyo tinamad lang ako sa blog na ‘to.
Alam nyo ba, mag ala una na ng gabi dito pero gising pa kaming lahat. Mga one week na ata ngayon, ang tagal matulog ng kambal sa gabi huhuhu lagi kaming puyat dahil natutulog lang sila mga 3am ng madaling araw.
Super aktiv ng dalawa nag hahagis ng mga laruan, nag sisgawan basta nag lalaro lang sila hanggang sa maka tulog ng madaling araw. Sarap nga painumin ng beer eh, para antukin agad hehehe
Pero nagising yan sila 11am ng maaga, shempre pati ako alas onse na rin nagising, kaya ok lang baligtad na kami ngayon natutulog. Pwera kung may bebe gym [ baby gym for premature] kelangan magising kami ng maaga dahil mag start yong gym nila 8:15 am, yon nga nag wawala ang dalawa kase antok na antok pa sila sa oras na yan, kaya medyo nahihirapan ang incharge therapist nila, kase nga umiiyak ang babies gusto pang matulog. Shempre mga porfessional sila kaya may tiknek din sila pano mapatahan ang kambal.
kakainis pag maaga kami lumabas kase super lamig na talaga.

3 Nov
Nainis ako kase nawala yong latest post ko dito.
Sa wakas naayos na rin ang server ko, grabe talaga yong downtime ang haba 3 days ata yon, anyway at least ok na lahat.
Eto lang muna ang update ko, adoption siggy baka may gusto diba? kopyahin lang ang code tas e paste sa sidebar. :)
Honga pala.
Gumagawa ako ng siggy ngayon for christmas at winter pero hindi pa tapos, kaso hindi na libre kase for donation sa bisdakplanet foundation. Malapit na kase ang pasko namimigay kami ng mga papel, lapis, ballpen para sa mga bata.
Actually, marami nang natulungan ang bisdakplanet foundation. Ang pinaka latest ay yong glaucoma operation ng isang bata, ini sponsoran ng bisdakplanet foundation. I’m soo proud talaga na member ako sa grupong ‘to, lahat ng myembro ay nag tutulungan kami. Ang sarap ng feeling kapag nakakatulong ka sa kapwa.
Share ko lang.
Kung marunong ka mag bisaya, DITO, TSAKA ‘TO, at ETO mababasa mo lahat yong latest na natulungan ng bisdakplanet foundation. Hindi lang yan basta marami pa. :)
Recent Comments