Eto ang malaking supresa sakin para sa araw ng mga puso.
Di ko talaga akalain na pinag bigyan ni hubby ang minsang pagka demanding ko.

Yay! sa wakas di na ako nenerbyusin pag may traffic lights sa uphill.
Manual o stick shift kase ang minamaneho ko.
Nangyari na sakin sa uphill naka stop ako dahil red lights, pag go, susme biglang na off yong makina dahil na wrong gear ako kaya lahat nag bubusinahan sa likuran. Mula nun iniiwasan ko lahat ng uphill na may traffic lights dito.
Ngayon di na, automatic na ang bagong prend ko. LOL

Pinalagyan din ni hubby ng navi system para di daw kami mawawala ng kambal. LOL

Namimiz ko rin ang kauna-unahang prend ko, apat na taon kaming mag best prend nito.

Happy hearts day!