3 Sep
Tommee Tippee cartridges para gawing sausage ang diapers. :)
Well, we have been potty training on and off. On and off? Oo dahil tinatamad ako. Hindi biro ang potty training sa kambal. Halimbawa, sabay mo silang e potty - tapos habang tinutulungan mo pa ang isa sa kanyang diaper na tanggalin, ang isa naman kakaupo pa lang sa potty tumayo agad dahil nakita nyang nabusy ako at patakbong nakahubad. Ika nga, parang sheep herding nakawala ang isa takbo ka naman at pagbalik mo bitbit ang isa ang isa naman ang tumakbo - ganyan lagi ang sitwasyon.
Ngayon, oras na talaga na seryosohin namin dahil minsan iiyak pa yan sila dahil gustong umupo sa potty nila. At isa pa marunong na sila magsalita at nakakaintindi na kung ano ang pee at poo. Minsan pa nga sasabihin na mag pee tas pag pinaupo mo naman isang minuto lang tas tayo agad at sasabihing tapos na, kakaloka pero sure kakayanin ko eto at sana mahaba ang pasensya ko para good bye sausage diapers. :)
Leave a reply