Kagabi pramis ko sa dalawang bees kapag matulog sila ng maaga, bibili kami ng balloons after sa school. Akala ko makalimutan na, sus hindi pala siningil agad ako at natawa nalang ang titser sa narinig na…mommy, we go shopping. At tinanong kung anong gustong bilhin, sinagot agad na balloonsssssssss. Sabi ng titser marami akong balloons bibigyan ko kayo, pero ayaw kase gusto yong nakaplastic na 50 piraso ang laman.

Para walang gyera dumiretso kami sa Rufo kinderland (toy´s shop), pagdating dun agad sa balloons area habang ako naman naduduling sa mga napakarami at klase klaseng carnival costumes na display. Tulad ng ibat ibang klaseng maskara at wigs, mga ibat ibang klaseng cuteness na costumes tulad ng lady bug, bumble bee ta iba pa. Magaganda lahat kase bagong display nila, may para sa kids at adults na sizes. Napakarami talaga at nakakalito kung anong bilhin. Sa susunod na buwan pa ang carnival pero nainganyo akong bumili na ngayon dahil marami din ang bumibili, mamaya mauubusan pa ako hehehe… Mas ok kase yong marami pa tayong mapagpilian keysa naman yong tira nalang ang mabibili natin.

Eto ang napili ko, cute kase ang mouse boy costumes bagay sa dalawang bees ko. :) Tsaka mura lang ha, 5. 99 Euro lang. Ang pinakamahal lang dun ay yong para sa adults sizes mahigit 24 Euro ata yong presyo basta mura lang naman talaga pag sa Rofu. Kaya mga mommies para di na kayo magkandarapa sa kakahanap ng carnival costumes sugod na kayo sa Rofu kase marami na silang display.